PAULETTE'S POV:Pagdating sa ospital ay agad na dinala si Elijah sa operating room. Hindi na siya makapasok kaya sa labas lang siya naghihintay na balisa. Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang lolo niya kasama ang kaniyang mama at mga kapatid."How's Elijah, iha?""Nasa loob pa siya ng operating room, Lolo. Kinukuha ang bala sa kaniyang tagiliran. Sana lang ay maligtas siya… huhuhu… natatakot ako, Lolo.""Shhh… wag kang matakot anak, alam kong kakayanin ni Mayor Elijah ’yan… malakas siya," sabi ng nanay niya habang niyayakap siya."Ate… kung hindi ako tinulungan ni Kuya Mayor, baka patay na ako ngayon…" umiiyak na sabi ni Asherette."Don’t say that, apo… hindi papayag ang Lolo na malalagasan ang pamilya natin." Agad nitong niyakap si Asherette na parang natakot sa sinabi ng bunso nila."Hindi ako papayag na mawala kayo sa akin… mahal ko kayong lahat. Utang ko kay Elijah ang buhay natin, apo…""Bakit nga pala nagdesisyon si Elijah na umuwi ng Pilipinas, Lolo?" seryosong tanong ni
Terakhir Diperbarui : 2025-12-05 Baca selengkapnya