Ilang sandali pa’y napatingin siya sa relo. Mag-aalas-dos na. Unti-unti nang nagpaalam sina Liam, Hunter, at Caleb dahil may kanya-kanya rin silang aasikasuhin. Naiwan siyang mag-isa sa opisina, at doon mas lalong bumigat ang kanyang dibdib.Umupo siya sa swivel chair at napasandal, nakatitig sa kisame. Pilit niyang inaayos sa isip ang mga dapat gawin ang mga papel na kailangang pirmahan, ang mga meeting na dapat paghandaan. Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya si Lilac.Hindi niya alam kung awa ba o konsensya ang nagtutulak sa kanya para mag-alala. Maliwanag naman sa kanya na tapos na sila... Matagal na. May Paulette na sa buhay niya, ang babaeng nagkokompleto ngayon sa buhay nya... Isang babaeng pinili niyang mahalin.Pero bakit naapektuhan pa din siya ni Lilac?Muling nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya, mabilis itong kinuha, pero hindi na message ang bumungad... missed call, mula kay Lilac.Napapikit siya sandali, nag-iisip kung sasagutin o babalewalain ang tawag
Last Updated : 2025-12-17 Read more