NAKARATING NA SI BETH AT REGAR sa isang sementeryo, iyon ang sinabi ni Ten na lugar kung saan ay magkikita sila. Pagkababa niya, agad siyang sinalubong ni Ten. “Hi.” “Ten, ano yung sinend mo kanina?” Tumingin si Ten sa lalaking nasa likuran. Si Regar ang nakita niya, akala niya ay si Lucio ang kasama ni Beth. “I told you, she’s my wife and she’s here.” Nauna siyang maglakad, si Beth naman ay nagmamadaling sumunod sa kaniya. Pagdating nila sa puntod ni Atilla, gulat na gulat siya nang makita ang litrato nito. Kamukhang kamukha niya, pero batid niyang hindi siya yun. “Atilla Shaneya Schrutz Jung,” mahinang pagbasa ni Beth sa pangalan. “She’s your twin sister. She grew up with dad.” Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Ten. ‘What? Twin sister? I have a twin sister?’ Bigla siyang napailing. Parang ang hirap para sa kaniya paniwalaan iyon. “I am c-confused.” Mahina siyang natawa. “Paano ito nangyari? Paanong wala akong alam ito. Kahit si Bernardo, h-hindi rin niya alam ang
Terakhir Diperbarui : 2025-04-26 Baca selengkapnya