Madaling lumipas ang mga araw at ang payapa na ng naging buhay ni Beth at Lucio. Sa sobrang payapa, si Beth e laging kinukulit si Lucio sa kaniyang trabaho para maghanap ng gulo. Pero si Lucio itong mahaba ang pasensya at parang ayos lang kung guluhin siya. Nagresign na si Beth sa trabaho, kaya nasa bahay nalang siya lagi. Si Leah naman ay umalis na at nasa UK na. Si Ten at Manzo ay nagpunta na rin ng Netherlands at wala na rin masiyadong balita si Beth tungkol sa dad niya. Pero hindi naman siya nag-aalala dahil alam niyang hindi ito pababayaan ni Ten. It’s Sunday, at dahil maganda ang panahon, plano niyang lumabas. “Ma’am Beth, saan po kayo pupunta?” “Exercise.” Pagkalagpas niya sa katulong, bigla itong nawala sa tabi niya. Alam niyang nasa kay Lucio na ito para ireport na lalabas siya. She’s 6 months old pregnant, pero sobrang laki ng tiyan niya na animo’y nakalunok siya ng maraming pakwan. Nabibigatan na rin siya sa tiyan niya pero kaya pa naman niyang makala
Terakhir Diperbarui : 2025-04-29 Baca selengkapnya