“Grabe, akala ko okay na okay kayo ni Kuya Eldreed,” gulat na tanong ni Andeline. Para sa kanya, si Eldreed ay halos perpekto—maalaga, matino, at mukhang seryoso. Inaabangan pa naman niya noon na magkaroon ng pamangkin mula sa kanila. “Akala ko mahal mo na siya? Bakit kayo naghiwalay?” tanong pa ni Andeline.“Pwede ba, tigilan na natin ang usapang ‘yan. Tapos na kami. Wala na ring saysay pag-usapan pa,” sagot ni Shayne, malamig ang tinig pero halatang may pinipigil.Totoo naman—baka nga tama si Andeline, baka nga minahal na niya ito. Pero anong silbi ng pagmamahal kung ang buong relasyon ay nagsimula lang bilang kasunduan? Isang peke. Isang palabas para sa pamilya nila.Dalawang taon lang sana ang usapan. Pero ngayon pa lang, tapos na.“Hala, bakit naman? Mabait si Kuya Eldreed, mahal ka niya, halata naman 'yon. Sayang talaga…” bulong ni Andeline, dismayado.Hindi agad sumagot si Shayne. Sa isip niya, hindi sapat ang kabaitan kung hindi bukal sa puso. Lalo pa nang banggitin ni Eldreed
Last Updated : 2025-05-02 Read more