Bumuhos ang mainit na tubig sa katawan ni Shayne, dumaan sa pagod niyang balat, at unti-unting naglinaw sa kanyang isip. Habang nasa shower, pilit niyang binabalikan ang nangyari—bitbit nga ba talaga siya ni Eldreed papasok kanina? Parang panaginip. Does he still love me? Pero hindi na siya umaasa. Ayaw na niyang umasa.Matapos magbanlaw, kinuha niya ang isang bathrobe, ngunit agad siyang natigilan nang makita ang pangalan ni Divina na burda sa laylayan nito. Parang napaso siya—agad niya iyong itinapon sa sulok na parang maruming basahan.So close pala talaga sila...Dali-dali niyang sinuot ang sariling damit. Bigla rin siyang nakaramdam ng inis sa batya na kanyang pinagliguan—parang nadungisan. Pagbukas niya ng salaming pinto, nadatnan niyang nakatayo sa labas si Eldreed.“Shayne!” Agad siyang sinalubong ng lalaki, pero nang makita ang itsura nitong bagong ligo—basang buhok, mapungay na mata—napatitig siya. She’s... beautiful. Pero agad din siyang natauhan.“Excuse me, Mr. Sandronal
Mag-isang naglalakad si Shayne sa kalsada, dis-oras na ng gabi. Tahimik ang paligid, walang katao-tao—parang siya na lang ang natitirang tao sa mundo.Pagkalabas niya ng villa, nagsisimula nang umambon. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon—basang-basa, walang matutuluyan. Kailangan muna niyang makahanap ng hotel at saka na lang magpaplano bukas.Wala siyang ibang gamit kundi ang suot niyang damit at isang platinum card na nadampot niya bago siya kinuha ni Eldreed mula sa kwarto. Napansin niyang may malapit na Sheraton Hotel, kaya naglakad siya papunta roon.“Miss, are you looking for a room?” bati ng receptionist, magalang at may ngiting propesyonal.“Luxury room, please,” sagot ni Shayne at iniabot ang card.Ipinadaan ito sa POS machine pero hindi gumana.Naguluhan si Shayne. Ang card na iyon ay kasama sa mga naibigay na dote ng pamilya Gu noong ikasal sila ni Eldreed. Kahit hindi iyon kalakihan, alam niyang may sapat na laman iyon.“Ma’am, your card is frozen,” maingat na pah
Pagkarating ni Jerome sa ospital, agad siyang sinalubong ng nurse.“Sir, do you need help?” tanong nito habang tinutulungan siyang buhatin si Shayne na hindi pa rin nagkakamalay.“Naglalagnat siya. Tawagin mo agad ang pinakamagaling na doktor dito!” utos ni Jerome, hawak pa rin si Shayne.Matapos ang mabilisang pagsusuri, lumabas na umabot sa 39°C ang lagnat ni Shayne. Agad siyang isinailalim sa dextrose at sinimulan ang gamutan. Dahil basang-basa na ang kanyang suot, inutusan ni Jerome ang tauhan niya na kumuha ng mga damit ni Shayne sa bahay para mapalitan siya.Hindi umalis si Jerome sa tabi ng kama ni Shayne. Ngunit habang natutulog ito, mahigpit na nakahawak sa kamay niya at paulit-ulit binabanggit ang pangalan ni Eldreed."Eldreed..." mahina ngunit malinaw na sabi ni Shayne habang natutulog.Halos mabaliw si Jerome sa narinig. Galit, inis, at selos ang namuo sa dibdib niya, pero hindi rin niya maiwasang maawa kay Shayne sa hirap na dinaranas nito.Nang pupunta na sana siya sa la
Matapos maihatid ni Eldreed si Divina pabalik sa kanyang kwarto, kinausap niya ito ng maayos upang pakalmahin ang damdamin. Nang makita ni Divina na nakuha na niya ang simpatya ni Eldreed, hindi na siya masyadong nagpumilit. Alam niyang kung masyado siyang makulit, baka lalo lang siyang mainis dito.Biglang pumasok si Wanren na halatang taranta. Nang mapansin niyang naroon si Divina, agad siyang natigilan at hindi na natuloy ang sasabihin.Napansin ni Eldreed ang pagkabalisa ni Wanren kaya agad niya itong nilapitan. “May nangyari ba?” tanong niya. Hindi na siya nag-aksaya ng salita kay Divina, sa halip ay sinabing may kailangang asikasuhin sa kumpanya at agad na hinila palabas si Wanren.Pagkalabas nila ng kwarto, hindi na nakatiis si Eldreed. “Ano'ng nangyari? Nasan na si Shayne?” Hindi siya mapalagay mula kagabi pa. Kung hindi lang dahil sa nangyari kay Divina, matagal na sana niyang hinanap si Shayne.Hindi na nagpatumpik-tumpik si Wanren. “Sir, may nakuhang impormasyon. Kagabi raw
Sa isang eleganteng silid, abala si Shayne sa pag-compute ng mga komplikadong problema sa harapan niya. Kahit nag-iisa siya sa malawak na lugar, hindi siya nakakaramdam ng inip dahil nakatutok ang isip niya sa pagresolba ng problema.Isa siyang college student, na nasa 3rd year. Sa edad niyang kasing-ganda ng bulaklak, pinipilit siya ng lolo at ama niya na mag-blind date. Hindi naman siya nawalan ng market o hindi kaaya-aya, kaya hindi niya maintindihan kung bakit sila nagmamadali.Napabuntong-hininga siya at itinapon ang lapis na hawak sa gilid. Madalas sabihin ng pamilya niya na nerd daw siya at wala siyang alam kundi mag-aral. Alam naman niya ang ibig nilang sabihin. Bilang anak ng pamilya Morsel, kailangan niyang mag-ambag sa pamilya kapag nasa adulting stage na siya.Halimbawa, isang kasal na may kaugnayan sa negosyo. Katulad na lang ng pangalawa niyang kapatid na babae na ipinasal sa isang kalbong matandang lalaki ilang taon na ang nakalipas. Ngayon, mukhang siya naman ang sunod
"May hindi magandang nangyari sa akin kalahating buwan na ang nakalipas." Ang madilim na mga mata ni Eldreed ay nakatuon kay Shayne. Iniunat niya ang mahahaba niyang binti at unti-unting lumapit sa kanya. Mas matangkad siya ng higit sa kalahating ulo kay Shayne, at tumingin siya pababa sa halatang kinakabahang mukha nito. Isang hinala ang pumasok sa isip niya, kaya isa-isang binigkas ang mga salita, "Noong gabing iyon, ikaw ba iyon?!""Hindi!" Agad na sagot ni Shayne."Ayon sa psychology, ang taong mabilis sumagot sa tanong ay kadalasang may itinatago." Ang malamig na tingin ni Eldreed ay dumaan sa mukha niya, parang isang kutsilyong tumatagos."Ngayon ko lang nalaman na ang sikat na si Eldreed Sandronal pala ay isang psychologist din." Nahuli ni Eldreed ang iniisip niya, kaya hindi na nakatiis si Shayne at sumagot na rin nang patutsada."Si Shayne, na nerd daw ayon sa kanyang mga kaklase, ay may matataas na grado, may mahinahon na ugali, hindi kailanman nagagalit, at isang mabuting a
Biglang nanigas ang maliit na mukha ni Shayne, tumayo siya at walang alinlangang sinampal si Eldreed, "Gago ka! Walanghiya ka!”Madaling nasalo ni Eldreed ang kanyang kamay, at ang malamig niyang boses ay tila yelo sa tuktok ng bundok na hindi natutunaw kahit libu-libong taon na, "Sino sa atin ang walang hiya? Shayne, bago ang araw na ito, hindi kita kilala sa buong buhay ko, pero sinadya mo akong pagplanuhan?"Bahagyang nag-iba ang mukha ni Shayne, ngunit agad niya itong naitago at nagbalik sa normal. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa panunukso. Sa halip na kumawala sa pagkakahawak ni Eldreed, lalo pa niyang idinikit ang kanyang kamay sa kanya, at ngumiti nang kakaiba, "Hmm, hindi ba nawalan ka ng malay noon? Paano mo natatandaan?"Ang ngiti sa mga mata ni Eldreed ay napalitan ng lamig, at ang tingin niya ay matalim na parang isang lobo na naghahanap ng biktima sa kapatagan. Ang kanyang mga labi ay mahigpit na nakatikom, nagpapakita ng malamig na disposisyon. Si Shayne naman, hin
Matapos tanggapin ang kasunduan, tiningnan ni Eldreed si Shayne, pinaikot ang papel ng agreemnt gamit ang kanyang mga daliri, at ngumisi. "Masaya akong makikipagtulungan."Naibenta ang sarili nang wala sa oras, masama ang loob ni Shayne, at pakiramdam niya ay gusto niyang manakit ng tao dahil sa pagkainis.Tumayo si Eldreed nang matagal, at bago lumabas sa pinto, tumigil siya. Sa malamig na tono at hindi lumingon ay nagsalita siya, "Sa totoo lang, wala akong maalala tungkol sa gabing iyon sa loob ng kalahating buwan. Ikaw ang unang nagbanggit ng kalahating buwan, at pagkatapos ay nagsinungaling ako nang basta-basta. Sinabi mo na ang lahat, Shayne, naglakas-loob kang paglaruan ako? Hindi pwedeng walang kapalit ang ginawa mo."Pagkatapos noon, binuksan niya ang pinto at umalis.Ilang segundo bago nakapag-react si Shayne na naiwan sa loob ng silid. Hindi niya napigilan ang pagtataas ng kanyang boses, "Eldreed! Hayop ka! Nagbabago-bago ka ng salita, lalaki ka pa ba talaga?!"Napahagikhik
Matapos maihatid ni Eldreed si Divina pabalik sa kanyang kwarto, kinausap niya ito ng maayos upang pakalmahin ang damdamin. Nang makita ni Divina na nakuha na niya ang simpatya ni Eldreed, hindi na siya masyadong nagpumilit. Alam niyang kung masyado siyang makulit, baka lalo lang siyang mainis dito.Biglang pumasok si Wanren na halatang taranta. Nang mapansin niyang naroon si Divina, agad siyang natigilan at hindi na natuloy ang sasabihin.Napansin ni Eldreed ang pagkabalisa ni Wanren kaya agad niya itong nilapitan. “May nangyari ba?” tanong niya. Hindi na siya nag-aksaya ng salita kay Divina, sa halip ay sinabing may kailangang asikasuhin sa kumpanya at agad na hinila palabas si Wanren.Pagkalabas nila ng kwarto, hindi na nakatiis si Eldreed. “Ano'ng nangyari? Nasan na si Shayne?” Hindi siya mapalagay mula kagabi pa. Kung hindi lang dahil sa nangyari kay Divina, matagal na sana niyang hinanap si Shayne.Hindi na nagpatumpik-tumpik si Wanren. “Sir, may nakuhang impormasyon. Kagabi raw
Pagkarating ni Jerome sa ospital, agad siyang sinalubong ng nurse.“Sir, do you need help?” tanong nito habang tinutulungan siyang buhatin si Shayne na hindi pa rin nagkakamalay.“Naglalagnat siya. Tawagin mo agad ang pinakamagaling na doktor dito!” utos ni Jerome, hawak pa rin si Shayne.Matapos ang mabilisang pagsusuri, lumabas na umabot sa 39°C ang lagnat ni Shayne. Agad siyang isinailalim sa dextrose at sinimulan ang gamutan. Dahil basang-basa na ang kanyang suot, inutusan ni Jerome ang tauhan niya na kumuha ng mga damit ni Shayne sa bahay para mapalitan siya.Hindi umalis si Jerome sa tabi ng kama ni Shayne. Ngunit habang natutulog ito, mahigpit na nakahawak sa kamay niya at paulit-ulit binabanggit ang pangalan ni Eldreed."Eldreed..." mahina ngunit malinaw na sabi ni Shayne habang natutulog.Halos mabaliw si Jerome sa narinig. Galit, inis, at selos ang namuo sa dibdib niya, pero hindi rin niya maiwasang maawa kay Shayne sa hirap na dinaranas nito.Nang pupunta na sana siya sa la
Mag-isang naglalakad si Shayne sa kalsada, dis-oras na ng gabi. Tahimik ang paligid, walang katao-tao—parang siya na lang ang natitirang tao sa mundo.Pagkalabas niya ng villa, nagsisimula nang umambon. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon—basang-basa, walang matutuluyan. Kailangan muna niyang makahanap ng hotel at saka na lang magpaplano bukas.Wala siyang ibang gamit kundi ang suot niyang damit at isang platinum card na nadampot niya bago siya kinuha ni Eldreed mula sa kwarto. Napansin niyang may malapit na Sheraton Hotel, kaya naglakad siya papunta roon.“Miss, are you looking for a room?” bati ng receptionist, magalang at may ngiting propesyonal.“Luxury room, please,” sagot ni Shayne at iniabot ang card.Ipinadaan ito sa POS machine pero hindi gumana.Naguluhan si Shayne. Ang card na iyon ay kasama sa mga naibigay na dote ng pamilya Gu noong ikasal sila ni Eldreed. Kahit hindi iyon kalakihan, alam niyang may sapat na laman iyon.“Ma’am, your card is frozen,” maingat na pah
Bumuhos ang mainit na tubig sa katawan ni Shayne, dumaan sa pagod niyang balat, at unti-unting naglinaw sa kanyang isip. Habang nasa shower, pilit niyang binabalikan ang nangyari—bitbit nga ba talaga siya ni Eldreed papasok kanina? Parang panaginip. Does he still love me? Pero hindi na siya umaasa. Ayaw na niyang umasa.Matapos magbanlaw, kinuha niya ang isang bathrobe, ngunit agad siyang natigilan nang makita ang pangalan ni Divina na burda sa laylayan nito. Parang napaso siya—agad niya iyong itinapon sa sulok na parang maruming basahan.So close pala talaga sila...Dali-dali niyang sinuot ang sariling damit. Bigla rin siyang nakaramdam ng inis sa batya na kanyang pinagliguan—parang nadungisan. Pagbukas niya ng salaming pinto, nadatnan niyang nakatayo sa labas si Eldreed.“Shayne!” Agad siyang sinalubong ng lalaki, pero nang makita ang itsura nitong bagong ligo—basang buhok, mapungay na mata—napatitig siya. She’s... beautiful. Pero agad din siyang natauhan.“Excuse me, Mr. Sandronal
"Aalis muna ako sandali." Tumayo si Shayne at lumabas ng walang lingon-lingon, hindi pinansin si Divina na nagpapakaawa pa rin ang itsura. Tahimik ang lahat matapos ang tensyon ng laro.Hindi na niya kinaya ang bigat ng eksena. Mabilis ang lakad niya palabas, halatang gusto niyang makatakas sa kahihiyang bumalot sa paligid. Hindi na rin niya narinig ang mga salitang binitiwan ni Eldreed para kay Divina.Sa totoo lang, akala ni Shayne kaya niyang palampasin ang anumang namamagitan kina Eldreed at Divina. Pero habang pinagmamasdan niya ang mga ito kanina, hindi niya na kayang lokohin ang sarili—nasasaktan siya.Hindi rin niya alam kung kailan nagsimulang lumayo ang mundo nila ni Eldreed. Naging parang estranghero na lang sila sa isa’t isa. Si Jerome ang laging nasa tabi niya ngayon, samantalang si Eldreed, si Divina na ang kasama.Uminom siya ng isang baso ng malamig na vodka. Tumama agad sa ulo ang init ng alak. Nagkunwari siyang lasing para makaiwas, kaya nagpaalam siyang magpapahinga
Mabilis na pinaikot ni Liam ang basyo ng bote sa gitna ng grupo. Unti-unti itong bumagal at lahat ay tahimik na nag-abang kung saan ito hihinto. Hanggang sa tumigil ang bunganga ng bote sa harap ni Klarence.“Wow...” sabay-sabay na buntong-hininga ng lahat. Kusa nang uminom ng alak si Klarence at tumingin sa paligid. “Isa lang ang puwede n’yong itanong. So make it count,” aniya habang tumingin kay Liam na parang nang-aasar.Napatingin si Liam sa lahat. “O, sino may tanong?”Sunod-sunod ang sagot ng mga kasama:“Nag-nightclub ka ba kagabi?” “Iniwan ka na ba ng babae sa date?” “Napak sa mukha ng babae?” “Ano suot mong underwear ngayon?”Sa tanong ni Riley, sabay-sabay ang tawa ng buong grupo.Lumingon si Klarence sa kanila na parang gusto nang matunaw sa hiya. Pulang-pula ang mukha niya habang nililingon ang bawat isa na parang humihingi ng awa, pero walang may balak magpatawad.“Klarence, bilisan mo!” sigaw ni Jireh.“Go na! Answer it!” dagdag ng isa pa.Napilitan si Klarence. “Red,
"Si Liam nga ‘yung may pinaka-maraming kalokohang naiisip sa araw-araw, bakit ngayon tahimik ka lang?" ani Jireh, habang nakatingin kay Liam na parang umaasang siya na ang makakapagligtas sa biglaang lamig ng atmospera.Napabuntong-hininga si Jireh habang sinusulyapan sina Shayne at Jerome na nag-aasaran pa rin sa gilid. Para kang nasa ice cave dito, naisip niya. Napapailing siya sa lamig ng paligid, at hindi napigilang manginig."Oo nga, Liam, bilis, mag-isip ka na!" dagdag ni Riley. Binalewala pa raw ni Jerome ang meeting sa isang malaking kliyente para lang sa party na ‘to—pero kung ganito rin lang ang vibe, baka bumalik na lang siya sa opisina.Maging si Klarence ay nakatitig kay Liam, halatang umaasa rin.Napangisi si Liam. “Kita niyo? Sa huli, kailangang ako pa rin ang aasahan. Aminin niyo na, hindi niyo kayang tiisin ang charm ko.”“Tumigil ka nga! Hindi ka mamamatay kung ‘di ka magpakaarte,” sabay bato ni Klarence ng prutas. Tumama ito kay Liam matapos gumawa ng perpektong par
“Umalis ka nga diyan, Eldreed! Ang kapal talaga ng mukha mo. O baka naman dahil ang tagal mo sa Amerika, hindi mo na naiintindihan ang Tagalog?” galit na sigaw ni Shayne.Sabay dampot niya sa mga prutas na hawak ni Eldreed at pabagsak iyong itinapon sa sahig. Nagpagulung-gulong ulit ang mga ito sa tiles.Ilang ulit na siyang pinagsabihan at pinahiya, pero nanatiling kalmado si Eldreed. Tahimik lang itong tumingin kay Shayne, saka muling yumuko para pulutin ulit ang mga prutas.Kung si Eldreed ay kayang tiisin iyon, si Divina ay hindi. Paano niya hahayaang apihin ng ibang babae ang lalaking mahal niya?Lumapit si Divina, hinawakan ang braso ni Eldreed, at mariing sabi, “Eldreed, tumayo ka nga! Narinig mo ba yung sinabi niya? Sino ba siya para pagsalitaan ka nang ganyan?”Pero walang pakialam si Eldreed. Pinagpag niya ang kamay ni Divina at itinuloy ang pagkuha ng mga prutas, ayaw magpapa-kontrol kahit kanino.Napairap si Divina sa inis, pero wala siyang magawa. Habang naiinis siya, big
Mula nang pumasok si Shayne hanggang sa umalis siya, hindi inalis ni Eldreed ang tingin sa kanya. Kahit na wala na siya sa paningin, nakatingin pa rin si Eldreed sa direksyong iyon, tila nawalan ng ulirat.Napansin ito ni Divina, at hindi niya nagustuhan ang nakita. Ayaw niyang mapahiya sa harap ng ibang bisita, kaya agad niyang hinawakan ang braso ni Eldreed at niyugyog ito. “Eldreed, hey! Anong nangyayari sa’yo? Di ba may kailangan ka pang sabihin kay Jerome?” tanong niya, pilit siyang ginigising sa pagkakatulala.Noong una, akala ni Divina na tatanggihan siya ni Eldreed kapag inaya niya sa party ni Jerome—lalo’t alam niyang naroon si Shayne. Pero laking gulat niya nang agad itong pumayag, walang pag-aatubili, at tila sabik pa.Bigla tuloy nagbago ang tingin niya kay Eldreed. Hindi niya akalaing papasok ito sa teritoryo ng taong minsang naging dahilan ng sakit niya.Sa wakas, kumurap si Eldreed at dahan-dahang iniwas ang tingin. Bahagyang naiinis, sagot niya, “Wala ‘to. Medyo pagod