ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
Last Updated : 2025-07-06 Read more