ElaraKabadong kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Alexander. Bakit kaya niya ako ipinapatawag? Para magpasalamat dahil ibinigay ko sa kanya ang kalayaan niya noon? Dahil sa wakas ay nagawa na nitong pakasalan ang babaeng totoong mahal nang hindi ako inaalala."Come in," narinig kong sabi ni Alexander mula sa loob ng opisina nito.Huminga ako ng malalim at kinompose ang sarili bago ko binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at abala sa pagbabasa ng kung anong papeles na hawak nito."Yes, Sir? Ipinapatawag mo raw ako. What can I do for you?" agad na tanong ko kay Alexander sa pinaka-propesyunal na tono nang lumapit ako sa kanya. Sa halip na sagutin ang tanong ko sa kanya ay ipinagpatuloy lamang ni Alexander ang ginagawa nito na para bang hindi niya ako narinig. Nakaramdam ako ng inis ngunit hindi ko lamang ipinahalata. Obvious namang nais niya akong pahirapan."So you just recently joined the company." Sa wakas ay kinausap din ako ni Alexand
ElaraMabilis akong nagyuko ng ulo nang malapit na si Alexander sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako o hindi. Dalangin ko na sana ay hindi niya ako napansin. Ngunit hindi dininig ang dasal ko dahil biglang huminto sa tapat ko si Alexander pati na rin ang assistant nitong kasama. Napilitan tuloy akong mag-angat ng mukha at sinalubong ang kanyang tingin.Blangko. Iyon ang ekspresyon na nasa mukha ni Alexander habang nakatingin sa akin. Hindi ko nakita na nagulat siya o kahit ano pa mang reaksiyon mula sa kanya. Para lamang siyang nakatingin sa taong hindi niya kilala."What are you doing, Elara? Greet our new CEO," mariing utos sa akin ni Ms. Agot. Nakatingin lang kasi ako sa mga mata ni Alexander at hindi nagsasalita."Ahm, welcome to FD Group, Mr. Reed," bati ko sa kanya in a very professional tone. Hindi mahahalata ng kahit na sino na kilala ko ang lalaking kaharap ko.Ilang segundong nakatitig lamang sa akin si Alexander ngunit hindi nagsasalita. Iniiwas ko t
ElaraIto ang unang araw ko sa FD Group bilang isa sa kanilang bagong hired na senior designer. Maganda naman ang puwesto na nilagyan nila ng magiging mesa ko dahil malapit sa glass window. Kapag gusto kong ipahinga ang mga mata at kamay ko ay puwede akong tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ko sa ibaba ang napakagandang man-made garden. Nasa eight floor ang kinaroroonan ko at ang man-made garden ay nasa seventh floor lamang.Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko. Pero siyempre, hindi maiiwasan na may mga taong mukhang inis sa'yo kahit na wala ka namang ginagawang masama sa kanila. Nang ipinakilala ako kasi kanina ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng team manager namin at isang junior designer na kasama nito. Nagkibit ng balikat na lamang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang dalawang iyon. Unang araw ko pa lamang sa trabaho kaya hindi puwedeng makipagbanggaan agad ako sa kanila. Masisira ang record ko sa kompanya.Kung tutuusin ay hindi lang dapat i
ElaraNagkatinginan kami ni George nang makita namin na nasa loob din pala ng restaurant na pinasukan namin sina Isabella at Alexander. Napakaliit talaga ng mundo. Sa Canada ay ilang beses kaming muntikan nang magkita ni Alexander sa mga kumpetisyon na pareho naming sinalihan ni Isabella.Bilang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ni Isabella ay sinasamahan nito ang huli para suportahan lalo pa at dinadala ng babae ang pangalan ng kompanya bilang representative nito. Hindi pa kami nagkakaharap ni Alexander dahil agad akong uniiwas kapag nasa malapit siya sa akin. Pero si Isabella ay dalawang beses pa lamang kaming nagkakaharap at nakapag-usap. Hindi naman nito nakikilala ang boses ko at natatakpan ng maskara ang kalahati kong mukha kaya hindi niya alam na ang palaging tumatalo sa kanya sa mga international competition na si Olivia at ang ex-wife ni Alexander ay iisa. Kapag nalaman niya ang katotohanang iyon ay natitiyak kong hindi niya ito matatanggap."Mom? I said kamukha ko ang la
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga magmula nang sumakay kami ng eroplano mula Canada papuntang Pilipinas. Paglapag naman ng eroplano sa international airport ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng halo-halong emosyon. Narito na ulit ako sa bansa kung saan maraming masasaya at masasakit na mga alaala akong naiwan bago ako nangibang bansa.Marami kaming masasayang alaala ni Liam na magkasama na kailanman ay hindi ko makakalimutan. At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang masasakit na nangyari sa akin. Ang pagkamatay ng mga magulang ko, ang panloloko sa akin ni Alexander at ang pagkamatay ng best friend ko.Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang maalala ko ang mga magulang ko at si Liam. Kahit mahigit anim na taon na ang nakakalipas ay sariwa pa rin ang sakit na dulot ng kanilang pagkawala. Mayamaya lamang ay namalisbis na sa aking pisngi ang mga luha na pinipigilan kong lumabas. Mabilis akong nagpahid ng luha bago pa man ito ma
Elara6 years later,"The winner for this year's International Fashion Designer Competition is none other than the mysterious woman! Olivia!" masayang pag-aanounced ng host sa sodonym na ginagamit ko. Umugong nag malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience na pinaghalo-halo ng iba't ibang lahi. "Congratulations for the five years consecutive winner for this competition, Olivia. Please come up to the stage to receive your trophy and other awards." Nakangiting umakyat ako sa stage at tinanggap ang aking parangal. Nagbigay rin ako ng maikling speech ng pasasalamat para sa mga audience at hurado na naniwalang ako ang karapat-dapat na mag-uwi ng trophy bilang winner sa taong ito.Pinalitan ko ang dating sodonym ko ng Olivia. Ginawa ko ito bilang kasama sa pagbabagong buhay ko sa Canada. Six years ago ay namatay si Liam. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse ng best friend ko. Idineklara ng doktor na dead on arrival na ito.Halos gumuho ang mundo ko nang mawala ang kaisa-isang tao