Elara"Hey, Beshy? Kanina pa ako nagsasalita rito pero nasa labas ng earth ang atensiyon mo," untag ni Liam sa akin habang kumakain kami sa isang restaurant. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa shop namin. Ilang buwan pa lamang na nagbubukas ang Unique Fashion D Shop at wala naman kaming tinatapakang tao. Kaya sino ang nasa likuran ng panggugulo sa shop namin. Magmula nang magbukas ang shop namin ay dito ako na ako nag-opisina. Samantalang si Liam na ang namahala sa kompanya namin. Pero madalas ay nagpupunta siya sa shop kaya binigyan ko siya ng sariling opisina niya."I'm sorry, Bestie. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa dalawang client na nanggulo sa shop natin noong isang araw," pagtatapat ko sa kanya."Hay naku. For sure, inggetero na business competitor natin ang nasa likod ng dalawang babaeng iyon. But I think hindi na sila uulit dahil hindi sila nagtagumpay sa balak nilang sirain ang pangalan ng shop natin. Huwag mo nang isipin iyo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya