Kung pwede lang magpalit sila ng katauhan ng kaibigan, mahimasmasan lang ito, gusto iyong gawin ni Sheila. “Graciella, alam mo gusto na talaga kitang batukan. Hindi ka naman slow para hindi makuha ang mga hint ni Menard ano?” naiinis na tanong ni Sheila. “Huh?” Clueless pa rin si Graciella. “Sa gwapo ng asawa mo, hindi ka talaga takot maagawan? Kung ako naging ikaw, naku na lang talaga, pagsisilbihan ko siya para hindi siya maghanap ng iba. May feeling siya sayo. Kahit sinong lalaki hindi gagawin ang ginawa niya kung wala siyang nararamdaman para sayo,” paliwanag sa kaibigan. “Problemahin mo nga muna ang sarili mo,” sabi pa ni Graciella sa kaibigan. Natatawa na lang siya rito. Panay payo sa kanya, wala naman lovelife. “Paanong ako dapat mamroblema?” nagtatakang saad ni Sheila sabay turo sa sarili. “Single ka, Sheila. As in capital SINGLE. Si Mr. Young andyan lang, anytime pwede ko lambingin. Ikaw kaya maghanap ng pwedeng lambingin. Tsk, tsk,
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya