Samantala, nakamasid lang ang mga bodyguard ni Menard na namamangha sa sasakyan ng kanilang amo. Alerto ang mga ito lalo at tinimbrehan na sila ni Louie tungkol sa tiyahin ng asawa ng boss nila. Mabuti na lang at nakasuot sila ng mga sunglasses at hindi halatang bantay sarado sila sa dalawang tao. “Anong klase ng sasakyan ba iyan, anak? tanong ni Roberta sa anak. Wala naman ideya si Roberta sa mga sasakyan. Basta ang nakikita lang niya, magara at malaki ang sasakyan. “‘Nay, Rolls Royce ang tawag dito.” sabi ni Rupert. Umasim ang mukha ni Roberta. “Ang hirap naman bigkasin. Siguro mayabang ang may-ari niyan,” komento ni Roberta. Hindi naman siguro mahal ang sasakyan na nasa harapan nila. “‘Nay, siguro kung ako ang may-ari ng sasakyan na ‘yan, may karapatan ako magyabang. Hindi lahat kayang bumili nito, mga nasa alta sociedad lang ang may kayang magkaroon ng ganitong sasakyan," paliwanag sa ina. Halos kumislap ang mga mata ni Rupert sa pagkaman
Last Updated : 2025-06-18 Read more