Dinala ni Menard ang wine sa kanyang office. Nilapag iyon sa kanyang mesa. Lumapit sa kanya si Louie para sana itabi ito. “Itatago ko na po iyon, senyorito,” saad pa ni Louie. “No, I will keep it to myself.” Tumayo na si Menard at tinungo ang kanyang safe. Nangunot ang noo lalo at ilang pinto din ang bubuksan bago marating ang pinakatagong vault na nasa loob ng secret room niya. Nakatatak na sa kanyang isipan ang makinis na leeg ni Graciella kagabi. Kung hindi siya binuhusan ng tubig ng asawa, hindi niya alam kung nakapagpigil siya. “Aha! Bakit may ganito kang wine?” Nabigla si Menard na naroon na sa kanyang tabi si Tobias. Ni hindi man lang niya namalayan ang pagpasok nito sa kanyang secret room. Hindi man lang niya natago ang hawak na wine mula sa paningin ni Tobias “May love wine ka palang tinatago? Ano ‘to gagamitin mo ba sa asawa mo, pamangkin,” tukso ni Tobias kay Menard habang binabasa ang label ng wine. Napapangiti lalo at ngayon lang ni
Last Updated : 2025-06-04 Read more