Namula ang pisngi ni Graciella. “Ano ang gusto mong gawin ko? Seryoso ka ba?” “Alak lang ito, my friend especially made for couple.” Tila nagpapa-cute pa si Sheila habang pinagmamalaki sa kaibigan ang regalo. Mahilig din kasi mangolekta ng kung anu-ano si Sheila. At nang nakaraan nga, nag-isip ito kung ano ang pwede iregalo sa bestfriend na bagong kasal. “Alam mo, my friend, isang lagok lang nitong alak na ‘to, mawawala ang lahat ng inhibitions mo sa katawan. Literal nitong tatanggalin ang hiya mo sa katawan at ready kana sa bakbakan.” Minuwestra pa ni Sheila ang pagkaldag kaya nahampas ni Graciella ang kaibigan. “Excuse me! Hihintayin kong si Menard ang gumawa ng paraan para magkalapit kami, ano? Kahit naman twenty eight na ako at virgin pa, aba at dalagang Pilipina pa rin ako,” saad pa ni Graciella. “Naku, kung hihintayin mo si Mr. Young na galawin ka, baka tubuan na lang ng amag iyang kuweba mo, wala kang mapapala. Sa lamig niyang iyon, daig pa niy
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya