Samantala, busy naman si Graciella sa ginagawang scenery painting. Si Sheila naman kararating lang. Unlike Graciella, hindi ito kailangan kumayod nang todo lalo at galing ito sa mayamang pamilya. “Hmp, ang tanga talaga ng babaeng bida dito sa binabasa kong nobela. Kung pinili niya ang mayamang lalaki na napakabait, hindi na sumakit ang ulo niya. Bakit kasi pinili niya pa ang lalaking mahirap na nga, magaspang pa ugali?” Himutok ni Sheila habang hinahagis ang librong hawak. Napailing na lang si Graciella at binaba na ang hawak na paint brush. Tapos na ang ginagawang painting at kailangan na lang niya patuyuin ito. “Bakit ka ba nakokonsumi sa mga nababasa mo? Nobela ‘yan at kahit fiction ‘yan, baka naman realistic ang approach ng may akda,” komento ni Graciella. Hindi na siya nagtataka kung bakit napaka choosy nito sa mga nirereto ng magulang nito sa kanya. “Kung ako ang bida na babae, pipiliin ko talaga ang mayaman na manliligaw. Hello?
Terakhir Diperbarui : 2025-07-20 Baca selengkapnya