Dumating ang mga bagong rescuer at sinumulan nilang maghanap. Inabot na sila ng gabi pero wala pa ring kahit katawan ni Kattie. Kinausap na si Jericson ng pinaka head ng coast guard. "Mr. Miller, hindi kaya naanod ang katawan ng asawa mo sa ibang karatig bayan. Kung ilang araw na dito naghahanap at wala namang makita may posibilidad na baka naanod iyon. Bukas pupuntahan natin ang ibang karatig bayan. Sa ngayon kailangan na nating magpahinga. Salamat." paliwanag nito. Tahimik lang si Jericson at nakikinig. Pero sa loob nito durog na durog na rin talaga siya, hindi niya na kasi alam ang kanyang gagawin. Araw-araw na walang sagot sa mga katanungan niya mas lalo siyang napa praning sa kakaisip. Nilapitan rin siya ni Mr. Bryan at niyakag ng matulog kaso tumanggi siya. "Boss, hindi ka pa ba matutulog?" tanong nito. "Hindi pa ako inaantok. Tatawag muna ako sa mga bata." sagot niya. "Sige, maiwan na kita rito." wika ni Bryan. At naglakad na papalayo sa kanya. Sinundan niya lang i
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-06-24 อ่านเพิ่มเติม