Samantala, kinaumagahan ay tanghali na nagising si Sloane. Nagising lang siya sa malakas na pag-ring ng cellphone niya. Pikit-mata niya itong kinapa-kapa sa bedside table niya.“H-hello?” ngarag na sabi niya, pupungas-pungas ang mga mata.“Sloane, sis! Ikaw ba itech?” bulalas ng sa kabilang linya.Napabalikwas ng bangon si Sloane na para bang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamilyar na boses.“Oh my gosh, Michael, ikaw ba ‘yan?!”“Gaga, Mich kasi! And yes, it’s me nga!” halakhak nito.Napatakip si Sloane sa bibig sa sobrang saya. Michael, o what he prefers to be called, Mich, was her college blockmate. Isa si Mich sa mga naging kaibigan niya noong kolehiyo bukod kay Margaux. Kaso nawala bigla itong si Mich nang walang paalam kaya ganito na lang ang saya niya na makipag-reconnect sa kaibigan after 2 years.“Bakit napatawag ka?” Umupo siya nang maayos sa kama at napahilamos sa mukha. Nawala kaagad ang antok niya sa tawag ng kaibigan.“Kauuwi ko lang ng Pilipinas now. Gala tayo, n
Last Updated : 2025-04-06 Read more