“What do you know, Sir Roman? Ano ang alam mo na hindi namin alam?” nanggagaliting bulong ni Evony kay Roman.Nang sabihin iyon sa kanya ng lalake, hindi niya maiwasang maramdaman ang nagbabagang init sa kanyang puso. All this time, may alam pala si Roman na itinatago niya sa buong organisasyon. Kahit kay Evony ay nagawa niyang ilihim.“It's a long story, Agent Von,” maikli lamang na sagot ni Roman. “I don’t think right now is the best time for you to know.”Evony's nose flared in anger. “I thought it’s my time to know about whatever this is, Sir Roman? Bakit bigla kang umaatras? May itinatago ka bang ikasisira ng Duello?”“What? Of course not!” depensa agad ni Roman. “Wala akong itinatago na ikasisira ng Duello, pero mayroon akong itinatago na ikasisira mo.”Kumuyom ang kamao ni Evony. “Matagal na akong sira, Sir Roman. Kung ano man ‘yan ay siguradong hindi ko na ikasasakit. Nasa harap natin mismo ang babaeng ipinalit sa akin ni Gabriel, sa tingin mo ba may bitaw pa rin sa puso ko ku
Mehr lesen