Agad na kumalat ang mga bumagsak na katawan sa paligid, halo-halo mula sa Cascara Grounds ngunit mas lamang pa rin mula sa mga Constantino. Habang abala ang paligid ay agad na inalalayaan ni Radleigh si Evony upang puntahan si Roman. “K-kuya! Anong ginawa mo rito? Sina mom and dad?” tanong ni Evony, hindi mapakali habang akay-akay ng kapatid. “Don’t ask questions, okay? Hindi ko kasamang lumipad sina mom and dad dito, nandoon sila kay Tita Mary,” paliwanag ni Radleigh at sandaling inilayo ang kapatid kasama si Roman. Dinala niya ito kung saan sila nakaposisyon kanina. “Radleigh,” bati ni Roman sa lalake. Tinanguan lamang siya ng lalake saka tiningnan ang dalawa. “You guys can’t obviously fight right now, ipaubaya niyo na sa amin ito,” hiling ni Radleigh. Yes, it was a wish. He had witnessed his sister’s strength to fight, but he had also witnessed her desire to take a rest. Kanina niya pa gustong puntahan ang kapatid kung hindi lang sila nag-plano kasama ang Cascara Grounds. No
Baca selengkapnya