Chapter 31Hindi ko akalaing hanggang ngayon, gano’n pa rin si Geg—mapanlinlang, mapagkunwari, at walang puso. Pero ngayong ako na ang nakatayo sa sarili kong paa, hindi ko na hahayaang ulitin niya ang ginawa niyang panlilinlang.Para sa anak ko.Para sa sarili kong dignidad.At para sa babaeng matagal niyang minamaliit.“Hindi na ako ‘yung Misha na inaapak-apakan, niloko, at pinagmukhang tanga,” mariin kong bulong habang nakatingin sa salamin ng opisina.“Lalabanan kita, Mr. Geg Montero.”Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinipigilan ang panginginig ng kamay.Ang galit, pinipigil ko. Ang sakit, tinatago ko.Pero ang apoy sa dibdib ko—iyon ang magpapatuloy sa laban.Napangiti ako, mapait.Ang alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin na parang matalim na patalim na bumabaon sa sugat na hindi pa rin tuluyang naghihilom.Flashback.Bitbit ko noon ang isang maliit na paper bag na may laman na baby booties.Excited ako.Nanginginig ang kamay ko sa kaba at tuwa.Plano kong sorpresahin siya—si Ge
Last Updated : 2025-10-28 Read more