LOGIN"Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan?
View MoreChapter 01
Misha POV "Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan? Gulong gulo ang aking isipan dahil sa loob ng anim na taon na ginugol ko dito at pagsakripisyo ko ay tila nawala lahat nang nasaksihan ko ngayon sa loob ng opisina nito. Flashback. Habang nasa daan patungo sa kompanya ng asawa ko na si Greg, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. Napagdesisyunan kong dalhan siya ng pagkain, kahit ramdam kong nanlalamig na siya sa akin. Gusto ko rin siyang surpresahin—isang linggo na akong buntis, ngunit hindi ko pa nasasabi sa kanya. Umaasa akong ito ang magiging dahilan upang muli kaming maging masaya. Pagdating ko sa building, naramdaman kong tila nakatingin sa akin ang lahat ng empleyado. May halong awa ang mga tingin nila, pero nagpatuloy ako na parang walang nakita. Diretso akong nagtungo sa elevator, pilit nilalabanan ang kumakabog na dibdib. Pagdating ko sa floor ng opisina ni Greg, lalong tumindi ang kaba ko. Napansin kong wala ang kanyang sekretarya sa desk nito, pero inisip kong baka nasa ibang departamento lamang siya. Sa kabila ng pagtataka, lumapit ako sa pintuan ng opisina at marahang binuksan ito. Ngunit hindi ko inasahan ang tagpong bubungad sa akin. Ang asawa kong si Greg, ang lalaking pinili kong mahalin at paglaanan ng lahat, ay abala sa paglampungan kasama ang kanyang sekretarya. Kitang-kita ko ang init sa kanilang mga mata, ang ligayang tila akin lang dapat, ngunit ngayo'y ibinibigay niya sa iba. Parang tumigil ang mundo ko. Ang kaba ko kanina ay napalitan ng sakit—sakit na tila lumalagos sa bawat hibla ng puso ko. Nanginginig ang kamay kong may dalang pagkain. Hindi ko alam kung papasok ako o tatakbo palayo. Sa sandaling iyon, nawasak ang lahat ng inaasahan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sa kabila ng panginginig ng aking mga tuhod at sakit na bumalot sa aking puso, unti-unti akong humakbang patungo sa kanila. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat hakbang, habang ang mga luha ko'y hindi na mapigil sa pag-agos. "Greg!" malakas kong tawag, dahilan upang magulat sila pareho. Napalingon ang asawa ko, at nakita ko sa mga mata parang wala lang na nahuli ko silang dalawa. Ang sekretarya naman niya ay napakagat-labi lamang ito ni ayusin ang sarili ay hindi ginawa. "Ganito ba ang ginagawa mo habang ako'y nagtitiis at umaasa na maibabalik pa ang dati nating pagmamahalan?" Nanginginig ang boses ko, puno ng galit at sakit. "Ito ba ang dahilan kung bakit nanlalamig ka sa akin? Ito ba ang ipinalit mo sa lahat ng ibinigay ko sa'yo?" Hindi ito makasagot hanggang pinahiga muli niya ang kanyang secretary nito sa ibabaw ng table niya na parang wala ako sa loob. "Sana sinabi mo na lang, Greg! Sana hindi mo na ako pinaasa! Ako na lang palagi ang lumalaban para sa atin, habang ikaw..." Napahinto ako, pilit na pinipigil ang hagulhol na gustong kumawala. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang bigat ng bawat sakripisyong ginawa ko para sa kanya—lahat ng tiniis ko, lahat ng hinintay ko—at napagtanto kong tila walang halaga ang lahat ng iyon sa kanya. Ang sakit ay nauwi sa isang galit na hindi ko na kayang itago. Ngunit tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Patuloy pa rin siyang nagpatuloy sa kanyang ginagawa—walang hiya, walang alinlangan, habang nakatingin sa akin na parang hindi ako ang kanyang asawa, ang babaeng nagmahal at nagsakripisyo para sa kanya. Napalunok ako ng mapait, pilit na nilulunok ang sakit na parang tinik sa lalamunan. Pinilit kong ngumiti, kahit pa alam kong halata ang panginginig ng labi ko. "Hanggang dito na lang," mahina ngunit mariin kong sabi, pilit na pinipigilan ang boses kong mabasag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumalikod ako, dala ang bigat ng sakit na idinulot niya sa puso ko. Ang bawat hakbang palayo sa kanya ay parang papunta sa kawalan. Parang ako ang natalo sa laban na ako lang pala ang nakikipaglaban mula sa simula. Nang nasa elevator na ako, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Dumaloy ito nang walang tigil, kasabay ng pag-alala kung paano kami nagsimula—kung paano ako nagmahal, nagtiwala, at nagpakumbaba. End Flashback. Habang binabalikan ko ang nangyari sa opisina ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mabait. Dahil ngayon, wala na akong natirang lakas. Sa loob ng elevator na iyon, habang bumababa ang floor indicator, ramdam ko ring bumagsak na rin ang mundo ko. Paano ko pa maitatayo ang sarili ko matapos ang ganitong klase ng pagkawasak? Ang akala ko, hahabulin niya ako. Kahit papaano, umaasa pa rin ako na may gagawin siya—na pipigilan niya ako, na magsusumamo siyang magpaliwanag. Pero nagkamali ako. Wala, ni isang hakbang o tawag mula sa kanya, ni isang salita para ipaglaban ang relasyon namin. Hanggang makarating ako sa exit, bitbit pa rin ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Napansin kong mahigpit ko pa rin itong hawak, kahit parang walang silbi na ito ngayon. Napatingin ako dito at naramdaman ko ang muling pag-agos ng mga luha ko. Agad kong nilapitan ang guard na nasa pintuan. "Kuya, pakiabot na lang ito sa kung sino'ng gustong kumain," mahina kong sabi habang iniabot ang lalagyan ng pagkain. Hindi na niya nagawang magsalita, halata marahil ang bigat ng emosyon sa mukha ko. Tumango na lang siya, tinanggap ang pagkain, at tahimik akong tiningnan. Paglabas ko sa building, malamig ang hangin na tila bumabalot sa aking buong katawan. Parang sinasalamin nito ang lamig na nararamdaman ko sa puso ko. Sa bawat hakbang palayo, ramdam ko ang bigat ng kawalan, ngunit pilit kong sinabi sa sarili ko, tapos na ito. Ang tanong, paano ko muling sisimulan ang buhay na ito nang mag-isa?Chapter 33Pagpasok ko sa press area, halos mabulag ako sa sunod-sunod na flash ng kamera.Parang kidlat ang bawat ilaw—mabilis, matalim, at mariing tumatama sa balat.Pero hindi ako umatras.Itinaas ko ang ulo ko, diretso ang tindig, at ngumiting may subtext na hindi kayang unawain ng kahit sinong hindi dumaan sa impiyernong pinagdaanan ko.“Ms. El Salvador! Over here!”“Ma’am, ano po ang inspirasyon ng ELSA Collection?”“Is it true na may personal meaning ang bawat design?”“Ms. El Salvador, is it connected to your past?”Sunod-sunod ang tanong, parang bala.Pero ako?Prepared.Steady.Immovable.I raised a hand—isang senyales ng katahimikan.At tumahimik nga sila.“This collection,” panimula ko, “is a reminder that strength often comes from the darkest places. That every woman… every person… has the right to reclaim what was stolen from them.”May kumurap sa unang hanay—isang reporter—parang may kutob.“Are you referring to… someone who wronged you, Ms. El Salvador?”Ngumiti ako.H
Chapter 32Pagbalik ko sa backstage, sinalubong ako ng yakap ng mga staff, ng designer team, at ng mga modelong halos mabasag ang boses sa sobrang tuwa.Pero ako? Tahimik lang.Hindi dahil hindi ako masaya—kundi dahil may mas malalim pa akong misyon kaysa sa isang matagumpay na runway show.“Ma’am Misha, kailangan niyo pong pumirma ng ilang documents for the press,” sabi ni Angela habang inaabot ang clipboard.Tumango ako, ngunit bago ko pa man maabot iyon, isang presensya ang humarang sa daan ko.Isang amoy ng pamilyar na cologne.Isang hakbang na kaytagal ko nang gusto iwasan.Si Geg.Nakasuot siya ng mamahaling suit, gwapo pa rin, pero wala na siyang kapangyarihan sa akin.Hindi na ako natitinag sa presensya niya.“Misha,” aniya, at kita kong hirap siyang huminga—parang bawat salita ay tinutungga niya nang may takot. “We need to talk.”Huminto ako.Dahan-dahang tumingin sa kanya.Hindi ako nagalit, hindi ako nanginig—kalma ako tulad ng bagyong paparating pero alam mo nang wala nang
Chapter 31Hindi ko akalaing hanggang ngayon, gano’n pa rin si Geg—mapanlinlang, mapagkunwari, at walang puso. Pero ngayong ako na ang nakatayo sa sarili kong paa, hindi ko na hahayaang ulitin niya ang ginawa niyang panlilinlang.Para sa anak ko.Para sa sarili kong dignidad.At para sa babaeng matagal niyang minamaliit.“Hindi na ako ‘yung Misha na inaapak-apakan, niloko, at pinagmukhang tanga,” mariin kong bulong habang nakatingin sa salamin ng opisina.“Lalabanan kita, Mr. Geg Montero.”Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinipigilan ang panginginig ng kamay.Ang galit, pinipigil ko. Ang sakit, tinatago ko.Pero ang apoy sa dibdib ko—iyon ang magpapatuloy sa laban.Napangiti ako, mapait.Ang alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin na parang matalim na patalim na bumabaon sa sugat na hindi pa rin tuluyang naghihilom.Flashback.Bitbit ko noon ang isang maliit na paper bag na may laman na baby booties.Excited ako.Nanginginig ang kamay ko sa kaba at tuwa.Plano kong sorpresahin siya—si Ge
Chapter 30 Maya-maya, pumasok si Michael, head ng production. “Ma’am, may problema po sa supplier ng satin fabric. Biglang nagtaas ng presyo at may delay sa delivery. Kung hindi natin maayos, maaantala ang launching.” Napahinga ako nang malalim. Unang araw pa lang, may sabotahe na. “Call them,” utos ko. “At sabihin mong kung hindi nila kaya ang terms, marami pa akong supplier na mas propesyonal.” Nagkatinginan ang staff. Hindi sila sanay sa ganitong klaseng boss—kalma pero matalim. Pag-alis ni Michael, lumingon ako sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang billboard ng dating kumpanyang kinasangkutan ni Geg—ang Montero Designs. Kakatapos lang nilang maglabas ng bagong ad campaign. At kung pagbabasehan ang tema… halos kopyang-kopya ng konsepto ng ELSA Collection—mula sa kulay, sa linya, hanggang sa emosyon ng larawan. Parang ninakaw pati kaluluwa ng ideya ko. Napakuyom ako ng kamao. “Ganyan pala ang gusto mong laro, Geg?” mahina kong sambit. “Fine. Pero sa laro mong ‘yan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore