DAN'S POV “Ma’am Dan.” Napalingon ako kay Ms. Cindy nang tawagin niya ako. Mabilis akong kumawala sa yakap ni Liam nang makabalik ako sa ulirat. Subalit bago ako makatalikod hinawakan niya ang isang kamay ko na parang gusto niya akong pigilan. Nang tumingin ako sa mga mata n'ya puno ng pangungusap,.. mata sa mata parang kinakausap niya ako pero hindi ko hahayaang sirain niya ang mahalagang araw na ito, ang mga sandaling ito ay hindi para sa kanya. “Mag-uumpisa na,” mahinang sabi ni Ms. Cindy. “Kailangan ka na sa pwesto mo.” Tumango ako sa kanya saka muling tumingin kay Liam. “Please, not now. This event needs my full attention,” mariin kong sabi. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko, at doon ako nakahinga nang maluwag. Naging abala ako sa event. Ako ang namuno sa ribbon-cutting ceremony, ngunit sa lahat ng ginagawa ko, naroon siya. Kapag hindi siya nasa gilid ko, nasa likod ko naman. Naguguluhan ako sa ipinapakita niya. Hindi man kami nag-uusap, hindi rin niya ako tin
Read more