Pumasok na rin ako sa loob at bumalik sa mga kasama ko. “Oh, saan ka ba galing?” tanong ni Sam habang kinukuha sa kamay ni Cathy ang baso nitong may alak. Pinipigilan niya itong uminom dahil mukhang tuluyan nang nalasing. “Sa balcony. Nagpahangin lang,” sagot ko at naupo sa tabi niya. Napatingin ako sa kabilang dulo ng couch. Naroon si Liam, tahimik na umiinom. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Tahimik din akong uminom, pero wala akong balak magpakalasing. Nadala na ako. The last time I got drunk, muntik na naman akong mapahamak. Isa pa, lasing na si Cathy. Ayokong mahirapan si Sam sa aming dalawa. Ilang saglit lang, lumapit si Trixie at tumabi kay Liam. Shit! Napamura ako sa isip ko. “Liam,” dinig ko ang maarteng pagkakasabi niya sa pangalan ni Liam. Humawak pa ito sa braso ni Liam. Buwisit. Talagang balak pa yatang maglampungan sa harap ko. “Si Luke kasi… tulungan mo naman ako sa kapatid mo,” ani Trixie, ang boses ay parang pusang laog sa hatinggabi. Kadiri. “Leave m
Read more