TRISTAN'S POV Naging pabaya na sa mga negosyo at palaging naglalasing si Luke. Nalaman ko mula kay Manang na marami na itong nasasaktan na mga katulong sa mansyon—sinisigawan, minumura, at kung minsan ay naninira pa ng mga gamit kapag nagwawala. Pero ang labis na ikinainit ng ulo ko ay nang malaman kong pati si Dan ay muntik na niyang masaktan. Kung hindi lang ako napigilan ni Erick, baka kung ano na ang nagawa ko sa sarili kong kapatid. Sa kabila ng lahat ng naging asal ni Luke, nagawa pa rin ni Dan na alagaan at bantayan siya. Alam kong nag-aalala siya. At dahil naging malapit na rin ang loob niya kay Luke, hindi ko maiwasang magselos nang makita ko silang magkayakap. Pero nang ipaliwanag ni Dan na, Luke just comforted her when she found out she had a miscarriage, kahit papaano ay nawala ang selos ko. Sa kabilang banda, masaya rin akong malaman na, sa kabila ng lahat, may malasakit pa rin si Luke sa asawa ko. Sa sobrang dami ng kailangan kong asikasuhin, hindi ko na rin nalalamb
Leer más