DAN'S POINT OF VIEW NANG sumapit ang hapon, hindi ko pa rin natatapos ang mga papers na kailangan kong pirmahan. Nang tumingin ako sa wall clock, malapit nang mag-alas-singko. Panay rin ang paalala ni Ms. Cindy. “Oh no, I need to hurry!” kausap ko sa sarili ko. Gusto ko pa sanang umuwi sa condo para makapagpalit ng dress, pero wala na akong oras. Hahabol na lang siguro ako sa dinner kung may aabutan pa ako. Pay day din pala ngayon. For sure, traffic! Ilang saglit pa, biglang may kumatok at bumukas ang p***o. Iniluwa noon ang assistant kong si Ms. Cindy. “Hindi ako matatapos kung kukulitin mo ako!” mabilis kong tugon habang nakatungo at patuloy na tinatapos ang mga papeles sa harapan ko. “Sorry to interrupt you, but you're hus—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may bagong tinig na nangibabaw sa loob ng opisina. “Hi, wifey.” Natigilan ako. Kilala ko ang boses na ’yon. Nang tumingin ako sa direksyon nila, nakita kong papalapit sa akin si Liam. Oh gosh, bakit siya nan
Read more