Lumapit sa amin ang mag-aama. “Looks like you two are having fun!” biro ni Dad. “Ano bang pinag-uusapan ninyo ni Dan? Bakit ang saya-saya ni Mom?” tanong ni Luke. “Ah, wala naman. Makulit lang talaga ang Mom ninyo!” mabilis kong sagot. Natawa naman silang lahat. “Sa totoo lang, Dan, ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya ang asawa ko. Dapat siguro dalasan ninyo ang pagbisita sa amin. At sana, sa susunod, may apo na kami sa inyo para may iba na kaming kukulitin,” masayang sambit ni Dad. “Dad, mas makulit po pala kayo kay Mom,” sagot ko. Tumango lang si Dad, habang ang magkapatid naman ay nagpipigil ng tawa, na para bang kumbinsido sila sa sinabi ko. Lumapit sa akin si Liam at hinawakan ang kamay ko. “I think kailangan na nating magpahinga. I’ll tour you later.” Tumayo ako at tsaka ko kinuha ang bag at sumbrero ko mula sa sofa. “Mom, Dad, akyat muna kami sa room ko,” paalam ni Liam. “Hmm,.. we know you're tired from the long drive,” tugon ng ama niya. “Sige na, mga anak.
Read more