Tahimik ang gabi, at tanging ang marahang hampas ng alon ang naririnig ni Megan habang nakaupo siya sa buhangin. Malamig ang simoy ng hangin, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang init na gumugulo sa kanyang dibdib. Magulo ang isip niya—hindi lamang dahil sa mga rebelasyong natuklasan niya, kundi pati na rin sa lalaking ngayon ay tahimik na nakatitig sa kanya.Si Primo.Tahimik itong nakatayo sa harap niya, ang mga mata’y puno ng emosyon. Para bang sa bawat segundong lumilipas, ay ayaw nitong sayangin ang pagkakataong makita siya.Maya-maya pa’y inabot ni Primo ang kamay niya, nakalahad ito sa harap niya.“Sayaw tayo,” aniya, ang boses ay malumanay ngunit buo.Napatingin si Megan sa kanya, bahagyang kumunot ang noo. Hindi niya alam kung seryoso ito o nagbibiro lang. Nilingon niya ang paligid—ang malawak na dalampasigan, ang tahimik na alon, at ang kalangitang punong-puno ng bituin.“Wala namang music,” sagot niya, bahagyang natawa habang nanatiling nakaupo.Ngunit hindi sumagot s
Last Updated : 2025-02-20 Read more