NAWINDANGG si Ezekiel sa reaksiyon ni Alex, at lumalim ang simpatiya niya rito. Kung magpapatuloy ito ay lalo lang itong masasaktan sa huli. Unlike him, ang ipinaglalaban niya ay nag-e-exist pa, at mas malakas ang chance na mababawi niya si Valerie.“Hindi lahat ng ipinaglalaban natin ay worth it, Alex. I know how much you love Vanessa, but sometimes love can be unfair. We can’t have it for the rest of our lives, if it wasn’t for us,” sabi niya.“Ano’ng ibig mong sabihin? Na wala ng pag-asa na mabawi ko si Vanessa?”“For some reasons, yes. You can’t take her back.”“At ano ang alam mo, ha?”“Marami, pero sa palagay ko ay hindi ako ang tamang tao na magsasabi sa ‘yo ng totoo.”Napatayo na si Alex, naging uneasy. “Sabihin mo sa akin ang nalalaman mo, Ezekiel, please,” samo nito.“Sorry, I just talk to you to know your intention to this company.”Nagngitngit na ang bagang ni Alex sa gigil. “I’ll talk to Vanessa!” sabi nito at biglang lumisan.Umupo naman siya nang tuwid at humalukipkip.
Last Updated : 2025-09-25 Read more