“Ano ba kayo, nandito tayo sa cafeteria. Huwag nga kayong maingay diyan,” reklamo ko sa mga kaibigan ko. Ang ingay ingay naman kasi, nagbabalik na naman ang pagiging aso at pusa nila.“Nelia, huwag ka na magreklamo diyan. Kilala mo na sila, hindi agad ‘yan titigil.” Hay naku itong Vincent na ‘to. Ngayon na nga lang namin nakasama kokonsintihin pa niya. Hindi na lang din niya patigilin ehh.Pinakalma ko na lang ang sarili ko. Hindi naman ako nagagalit, pero naiinis naman ako. Ewan ko ba, masyado akong naiingayan sa kanila. Hindi kagaya noon, na ayos lang sa akin. Wala din naman akong ibang magagawa kundi ang manahimik. Hintayin kung kailan sila matatapos. Hay naku, kailan nga ba ito matatapos? Hanggang anong oras pa ba.“Nelia, let me asked something,” biglang wika ni Vincent.“Oum, ano ba ‘yon?” tanong ko naman.“Kumusta na pala kayo ng asawa mo? Siguro naman, ayos lang kayo, right?”“Ahmm, ayos lang kami. Ehh, ikaw? Kumusta ang pang babae mo? Ahahha, alam ko naman na, babaero ka mula
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya