"Ipinangalan sayo ni lola ang El Cielo." Sabi ni Ace kay Ashley habang nagmamaneho siya. Papunta siya sa sementeryo para bisitahin si lola Astrid. Hindi sumagot si Ashley. Tahimik lamang siya. "Hindi mo naman siguro balak tanggihan ang binigay sayo ni lola. Kaya bumalik ka na sa El Cielo. Magsimula tayong muli." "Handa akong tanggapin ang ipinamahagi ni lola sa akin, pero hindi ako babalik doon. Sinabi ko sayo, wala tayong sisimulan at wala tayong bubuuin. Kaya sana makisama ka." Sa sinabi ni Ashley, naapakan bigla ni Ace ang preno. Gitgitan ang trapiko sa bigla niyang pagtigil. Dahil sa busina sa kanilang likuran, walang nagawa si Ace kundi ang muling magmaneho. "Sinasabi ko din sayo, hindi mapapawalang bisa ang kasal natin, kung gusto mong magpahinga, gusto mong makapag isip isip. Bibigyan kita ng pagkakataon, pero hindi ko ibibigay sayo ang kalayaan mo. Dahil hindi ako makakapayag na sumama ka sa iba. Tandaan mo, akin ka lang, Asha."
Terakhir Diperbarui : 2025-05-30 Baca selengkapnya