Nakahinga ng maluwang sina Ace at Ashley ng sabihin sa kanila ni Frank na wala namang malubhang sakit si Lola Astrid. Ngunit hindi masasabi ni Frank kung kailan ito magigising. "Magpahinga ka na muna, kailangan mong bumawi ng lakas dahil sabi ni Frank na mahina ang katawan mo at kulang sa pahinga." Sabi ni Ace kay Ashley habang nasa loob ng ward ni Lola Astrid at nagbabantay. Hindi sumagot si Ashley, hindi din niya tinapunan ng tingin si Ace. Tahimik lamang si Ashley na nakahawak sa kamay ni lola Astrid. Wala siyang balak kausapin si Ace at kung hindi lamang niya mahal na mahal si Lola Astrid ay hindi niya ito pupuntahan para lang sana makaiwas kay Ace. "Lola, babalik ako." Sabi ni Ashley, niyuko si lola Astrid at ginawaran ng halik sa noo. Tumalikod, walang balak sulyapan si Ace hanggang sa tuluyan siyang makalabas. ...... Nag utos si Ace na bantayang mabuti si Lola Astrid bago siya bu.alik ng El Cielo. Para muling usisain ang file sa cctv at makita ma
Last Updated : 2025-05-03 Read more