"Ano ito?" Tanong ni Ace kay Ashley ng may ipinahawak ito sa kanya. "Sabi ni mama, ibigay ko daw iyan sa paborito kong tao. And from now on, ikaw na ang paborito ko." Malambing na boses ni Ashley na sagot kay Ace. "Kaya dapat, ingatan mo iyan, dahil pagdating ng araw, hahanapin ko iyan sayo kapag bumalik na ang paningin mo." "Sige, iingatan ko ito para sayo, at babalikan kita kapag bumalik na ang paningin ko." Sagot naman ni Ace. Nawala na ang pagkabugnutin niya simula ng palagi siyang kinakausap ni Ashley. "Isa para sayo, isa para sa akin. Kaya kahit hindi agad tayi magkita, basta makilala mo ang kwentas na kapareha ng sayo, siguradong maalala mo ako." Masayang nag uusap sina Ashley at Ace ng lumapit sa kanila ang mama ni Ashley. "Ace, hijo. Dumating na ang sundo mo." Natigilan si Ace, parang ayaw niya munang umalis pero dumating na ang kanyang lola Astrid para sunduin siya ngayon nahanap na siya nito. "Tita, Leila. Babalik ako, at pangako ko pagda
Last Updated : 2025-06-12 Read more