"Matagal ng gusto ng nanay mo na kunin 'yan pero ngayon mo lang naalala?" tanong niya saka natawa. Napatingin naman ito sa katabi kong si Alex. "Aba'y ito na ba ang asawa mo, Tatianna?" tukoy niya kay Alex. Hindi pa nga kami kinakasal, e. "Hind-" "I'm Alex, Tatiannas husband" putol ni Alex saka nilahad ang kamay kay aling Sonya. I pressed my lips together to stop my self from laughing. Medyo advanced siya mag-isip ha. Tinanggap ito ni aling Sonya, "Ako naman si Sonya, kaibigan ako ng mama ni Tatianna" tumingin siya sa akin, "Napakagwapo naman ng asawa mo, Tatianna" puri nito. I smiled, "Sinuwerte lang po ako, aling Sonya" saad ko. Tumango-tango ito, "Masuwerte ka nga" sinulyapan nito ang bahay nila, "Ikaw pa naman ng gusto kong maging asawa ng anak ko. Ang taas ng pangarap ko para sa kanya, pero napunta lang siya sa babaeng nagtitinda sa palengke" lait pa nito. Nagkatinginan kami ni Alex. Pilit na lang akong ngumiti sa sinabi ni aling Sonya. Wala namang masama kung ang napa
Last Updated : 2025-07-01 Read more