“I’m so sorry, Mr. Valderama.”Para siyang binagsakan ng langit. Naramdaman niya ang malamig na sahig sa ilalim ng kanyang mga tuhod nang kusa siyang mapaluhod. Hindi na niya napigilan ang pag iyak. Ang lalaking sanay magpigil ng emosyon, na kilala sa mundo ng negosyo bilang imortal sa harap ng krisis, ngayon ay basag na basag. Ang mga kamay niyang palaging matatag ay humawak sa kanyang mukha, pilit tinatago ang paghihirap.Maging ang yakap ni Nana Sela sa kaniyang likod ay hindi na niya naramdaman. Namanhid na si Sebastian. “I’m sorry,” ulit ng doktora, mas may conviction na sa tono. “The second twin had a birth defect that wasn’t visible in the earlier scans. We tried to save her, but… she was already gone when she came out.”“Sebastian…” mahina ang boses ni Nana Sela, nanginginig na rin ang boses sa gilid niya. “Anak, magpakatatag ka. May isa pa kayong anak—”“I was supposed to have two,” putol niya sa matanda, ngunit paos at halos hindi na marinig. “Two daughters… Trixie carried t
Last Updated : 2025-11-11 Read more