“Hindi naman pala kailangan, Nida, hindi ba?” ang boses ni Wendy ay malambot ngunit puno ng sarkasmo. “Kung ganoon, ang sunod na aasikasuhin mo ay ang pag eempake ng lahat ng gamit mo. And you can leave this property immediately.”Agad na nanigas ang mukha ni Nida, na para bang may sumabog na bomba ang tumama sa kanya.“M-Ma’am?”“You heard me,” malamig na sagot ni Wendy. “You’re fired,” ang kanyang ngiti ay sharp at walang awa.Sa narinig, nagimbal si Nida. Mabilis itong napaluhod, ang matinding takot ay mababanaag sa kanyang mukha, at ang luha ay muling umagos.“Madam! Ma’am Wendy, please! Hindi ko po sinasadya—Hindi ko po kayo kil—Hindi ko po—Hindi ko po akalaing narinig niyo—Ma’am please po! Kailangan ko po ang trabaho na ’to! Maawa na po kayo!” palahaw ni Nida nagmamakaawa, at ang kanyang boses ay naging garalgal. Hindi pa nakuntento sa paawa lamang, niyakap nito ang mga binti ni Wendy, ang pagmamakaawa ay uncontrolled. “Huwag niyo po akong tanggalin! Please! Wala po akong ibang
Last Updated : 2025-12-05 Read more