Sa kabilang banda, lumabas si LV sa silid ni Tyler at bumungad ang kaniyang pamilya; nakaupo sa couch ang kaniyang ina. Palakad-lakad naman si Cianne habang nakasandal si Thomas sa pader na malapit sa p***o, may benda na ito sa noo pati ang bali nitong daliri. Isang VIP room ang inuukupa ng pamilya Rutherford sa Sevilla Hospital kung kaya't may sala para sa pamilya ng pasyente bago makapasok sa mismong silid ng pasyente. Nagmamadaling sinalubong ni Cianne si LV. “How's is he?” “His fine. He’ll be fine.” Hinawakan ni LV ang magkabilaang balikat ni Cianne. “Stay with him.” “Let's talk, Vinciani.” wika ni Celeste. Sabay na napalingon si LV at Cianne sa kanilang ina na walang emosyon na nakatingin kay LV. “Hala, hala! Vinciani, Vinciani.” sarkastikong sambit ni LV sa sarili. Tumikhim si Thomas, “Lalabas na muna ako, sa ibaba ko na lang sasalubungin si Ciale.” Tinanguan ni LV si Thomas bago ito lumabas ng silid. Pinagbuksan ni LV ng p***o ang kapatid, hinalikan ito sa ulo bago makap
Leer más