Lumabas muna si Athana pagkatapos niyang magligpit ng pinagkainan nila dahil si Hunter na ang nagboluntaryo na maghugas. Pinapasok na rin niya silang lahat sa loob dahil masyado pang mainit sa labas.Pinalitan niya muna ng damit ang kanyang mga anak dahil pawis na pawis na ang mga ito kakatakbo. Lumabas kaagad ang mga bata pagkatapos niya itong bihisan.“Sandali,” mahinang sigaw niya nang hindi pa siya tapos na lagyan ng panyo ang likod ng kanyang mga anak.Dali-dali naman na lumabas si Athana at naabutan niyang nakakandong na ang mga bata sa kanilang ama. Busy na rin yung iba dahil tumutulong sila kina Yvonne at Tyler na gumawa ng palamig at ice cream.“Hay naku. Ang kulit talaga.” Nanggigigil naman na pinisil ni Athana ang ilong ng kanyang mga anak habang nakangisi ang mga ito.Napatingin naman si Athana kay Hunter. “Lalagyan ko muna sila nito. Ang lilikot kasi.” aniya.Ngumiti lang si Hunter sa kanya. Nakakandong pa rin ang mga bata kay Hunter habang nilalagyan niya ng panyo ang li
Last Updated : 2025-05-26 Read more