Kahapon lang, halos hubad si Luna sa harap niya para akitin siya. Pero ngayon? Ibang lalaki na naman ang kaharutan at sa pader pa. "Grabe, hindi ako makapaniwala..." bulalas ni Vergara, habang nakatitig sa mukha ni Giovanni na hawak pa rin ang cellphone, unti-unting humihigpit ang pagkakakapit sa cellphone para bang puputok ang mga ugat sa galit o selos. "‘Wag mo sabihing. Master Giovanni, napalalim na ang tama mo kay Luna?" tanong ni Vergara, kalahating biro, kalahating naguguluhan. Mukha kasi itong iniwan ng asawa. At ang nakakatakot? Tahimik lang si Giovanni, pero matalim ang tingin, at ang panga’y naninigas. Napatingin si Christopher kay Vergara, waring nagtatanong kung anong susunod na gagawin. Bahagya siyang kumambyo ng balikat, na parang nagsasabing, 'Wala akong alam, bro.' Si Giovanni ay parang isang nagliliyab na uling sa loob ng malamig na lata
Last Updated : 2025-06-16 Read more