Chapter 281 Pagkatapos kong maitumba ang dalawang kalaban, saglit akong tumayo sa gitna ng madilim na eskinita. Malalim ang hinga ko, bahagyang pawisan, pero buo pa rin ang focus. "Clear." Mabilis kong tinignan kung may kasunod pa — wala. Muli akong bumalik sa dinadaanan ko, tinapakan ang isang puddle sa gilid ng kalsada, at sinigurong walang nakasunod o nakatanaw. Habang naglalakad, saka lang bumalik ang tibok ng puso ko sa normal. Pero ang utak ko? Naka-alerta pa rin. “Dalawa lang ‘yon... usually may backup pa ‘yan. At kung gano’n sila kahayok, hindi lang ito basta surveillance. Gusto na talaga nila akong kunin.” Nakarating ako sa kabilang daan kung saan karaniwang pila ng jeep. Mukhang ordinaryong gabi para sa karamihan ng tao — may nagbebenta ng fishball, may tambay, at may mga estudyanteng tawanan habang nag-aabang ng masasakyan. Ako? Pasimpleng umupo sa waiting shed, pinunasan ang pawis gamit ang panyo, saka naglabas ng maliit na black pouch mula sa sling
Last Updated : 2025-06-23 Read more