PAGKARATING sa opisina ay agad na inasikaso ni Caroline ang mga tambak na papeles sa ibabaw ng kaniyang mesa. Nang tingnan niya ito isa-isa ay napagtanto niya na galing ang mga ito mula sa marketing at finance department. Agad naman niyang sinamsam ang mga papeles para papirmahan kay Calvin.“Come in,” wika nito pagkatapos niyang kumatok sa pinto.Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob. Sa pag-angat ng tingin ni Calvin sa kaniya ay napangiwi na lang ito nang makita ang mga dala niya.“Bakit ba hindi nauubos ang mga paperworks na ʼyan?” He grunted.Napangiti naman si Caroline bago maingat na inilapag ang mga papeles sa mesa nito.“Kung wala ang mga ito ay wala kayong magiging trabaho, Sir.”Napasandal naman ito sa kinauupuang executive chair. “Tama ka naman.” Bigla itong napaisip. “Pero paano kaya kung bigyan na lang kita ng authority na pumirma on my behalf para hindi ko na talaga kakailanganing pumasok?” He smirked.Natawa naman siya. “Puwede naman, Sir. Basta ba sa ʼkin mapupunta
Last Updated : 2025-10-20 Read more