HABANG PAPALAYO si Naomi at Crystal, mas bumibilis ang kabog ng dibdib niya, bumibigat ang bawat hakbang niya dahil sa matinding kaba at takot para kay Martin. Sunod-sunod na palitan ng mga putok ang umalingawngaw sa buong pasilyo. Ang ibang mga taong nasa loob ng ibang mga silid ay takot na takot na nagsitakbuhan palayo habang sumisigaw."Si M-Martin, Crystal," naiiyak niyang sabi. Tumingin siya sa likod at kita niyang nakikipagbarilan ito sa mga lalaki. Kinakabahan siya para sa kaligtasan nito."Kailangan nating makaalis agad, Naomi dahil delikado para sa iyo," ani Crystal habang hawak ang kaniyang braso."P-pero paano si Martin, Crystal? Baka mapahamak siya." Hindi na niya napigilan ang luhang pumatak sa mga mata nita. "Natatakot ako para sa kaniya! Iisa lang siya laban sa apat na lalaking iyon," nag-aalalang sabi niya."Magtiwala tayo sa kaniya, Naomi! I know he can't let those men kill him," patuloy ni Crystal.Samantalang habang palayo si Crystal at Naomi, patuloy sa pakikipagpa
Dernière mise à jour : 2025-08-07 Read More