Chapter 250 – December 25, D-Day!“December 25, araw ng pasko, araw rin ng aking kasal! Hindi ako gaanong nakatulog kagabi kahit na katabi ko si James. Marami akong iniisip sa mga mangyayari sa araw ng kasal ko. Kagabi pa dumating sina Alec dala ang wedding gown ko at mga tuxedo nina James, JJ, Jorgie. Sa bahay na rin namin sila natulog. Sa bahay naman nina Mama ay kahapon ng umaga hinatid nina Alec ang mga susuotin nina Mama, Papa at mga kuya ko. Puring-puri nina Mama, Papa at mga Kuya ko ang mga tinahi ni Alec para sa kanila. “Maganda, pulido at sukat na sukat ang mga gawa ni Alec!” sabi ni Mama sa telepono. Hindi namin sinukat ni James ang mga damit namin na dala nina Alec kagabi dahil sa pamahiin.Maaga akong nagising nung araw ng kasal ko dahil dumating na ang mga make-up artist, stylist, at video-photographer. Sinabihan ko si yaya na pakainin na ang mga bata ng almusal gayun din si James. Sa kuwarto namin ni James ako magme-makeup at magbibihis. Mabilis akong naligo. Ha
Huling Na-update : 2025-11-10 Magbasa pa