Chapter 223 - PDA in New York!Ang akala ko ay puro glamour lang ang pagiging isang modelo, risky rin pala ito at maraming tukso!” sabi ni James.“Tapos na ang misyon ko sa New York, uuwi na tayo?” sabi ko kay James. Sa pagod at tensyon ko sa photoshoot kanina, nakatulog ako sa taxi. Ginising lang ako ni James pagdating namin sa hotel.“George, gising na! Nandito na tayo sa hotel!” sabi ni James habang niyuyugyog niya ang balikat ko.“Nandito na tayo? Kumain muna tayo, nagugutom na ako.” inaantok kong sabi kay James.Habang kumakain kami sa restaurant sa loob ng hotel, “Teka nga pala, kailan ka nagpabook ng flight at hotel papunta dito sa New York?” tanong ko.“Remember noong three days bago ka umalis? Hiniram ko ang laptop mo. Nagbook ako ng flight online kasama na ang hotel accommodation ko. Business class na ang kinuha kong flight dahil fully booked na ang economy.” pagtatapat ni James.“You sly man! Nagulat talaga ako ng marinig ko ang boses mo sa backstage ng fashion show.
Huling Na-update : 2025-10-14 Magbasa pa