THEA FAITH“Ano ‘yang dala mo?!” nagulat ako dahil bigla na lang sumigaw si mommy at nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kapatid ng asawa ko.“Bwisit kang bata ka! Papatayin mo ba ako?” galit na sigaw ni mommy dahil may dala ba namang ahas ang anak niya.“Grabe ka naman sa papatayin kita, mom. Baby ko ito, kaya ‘wag kang ano d’yan. Mabait ito, harmless siya,” sabi pa niya habang nilalambing ang ahas na hawak niya.“Sinong matinong tao ang magbababy ng ahas–”“Ako, matino naman ako ah. Ano ba tingin mo sa akin? Kakauwi ko lang pero wala man lang nagbago sa ‘yo,” natatawa na sabi niya.“Ewan ko sa ‘yo, Liberty!”“Ewan ko rin sa ‘yo, Lavinia na kontrabida,” sabi niya kaya ako naman itong nakatingin lang sa kanila na hindi ako makapaniwala.“Pasaway ka talaga na bata ka! Manang-mana ka talaga sa–”“Sa ‘yo, sa ‘yo ako nagmana. Bakit mo ba nakakalimutan na ‘yo ay nagmana,” natatawa na sabi niya kaya napangiti ako dahil ngayon ko lang nakita na stress ang mukha ni mommy. Sanay ka
Last Updated : 2025-07-05 Read more