PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HERE! Kumain ka pa iha. Teka lang, may gusto ka pa bang kainin? Sabihin mo lang para maipaluto kaagad natin." nakangiting wika ni Mrs. Carmina Ferrero sa akin. Kasalukuyan kaming nandito sa harap ng hapag kainan at kumakain at hindi ito magkanda-ugaga sa kaka offer sa akin ng kung anu-ano. Ang dami ding mga pagkain na nakahanda sa harapan namin. "Naku, ayos na po, Mam. Uubusin ko po muna itong mga pagkain na nasa pingan ko tapos kukuha na lang po ulit ako." nakangiti kong sagot. "Mam? Ano ang tawag mo sa akin, Iha? Mam, naku, teka lang, Lucian...hindi mo pa ba nasabihin itong si Amber kung sino ako sa ano ako sa buhay mo?" seryosong tanong naman ni Mrs. Ferrero. Kinakabahan naman akong napatitig kay Lucian. "Mom, huwag niyo naman po takutin si Precious ." nakangiting wika ni Lucian. Ang alam ko noon pa man, hindi magkasundo ang mag-ina na ito pero sa ngayun, nakikita ko namang medyo clolsed na yata sila sa isa't isa. "Hindi ko siya tinatakot.
Last Updated : 2025-06-06 Read more