“Gaia!” malakas na sigaw ni Liberty kaya nawala ang atensyon ni Gaia kay Brie.Bumaling si Gaia sa paparating na kabayo sakay sina Hugo at Liberty. Mabilis bumaba ang babae nang tumigil ang kabayo at galit na lumapit sa kaniya. Mabilis namang humarang si Ezraya sa harapan niya. Parang anumang oras ay handa siya nitong protektahan mula sa galit na babae.“Ayos lang ako, Ezraya,” sambit niya at marahan itong hinawi para harapin si Liberty. “Anong kailangan mo, Liberty?”“Anong kailangan? Alam kong alam mo ang kailangan ko, Gaia. Gusto mo ba akong patayin, huh?”“Liberty, huminahon ka nga. Hindi ka naman napahamak, eh. Mas mabuti siguro kung magpapasalamat ka na lang kay Gaia kaysa awayin mo siya. Ang laki ng ambag niya para makaligtas ka,” sambit naman ni Yuan.“Magpasalamat? Nagbibiro ka ba, Lord Yuan? Muntikan na akong mamatay sa ginawa ni Gaia tapos magpapasalamat pa ako? Kung hindi ko pa alam, paraan niya lang iyon para alisin ako sa grupo. Sa una lang palang, ayaw na niya sa akin.
Última actualización : 2025-09-19 Leer más