Pinangunahan ni Sara ang paglalakad papasok ng gusali. Sumunod naman sila rito at hindi nila maiwasang mamangha. Tulad sa labas, parang yari din sa yelo ang loob ng gusali, mula sa makintab na sahig na animo’y makinis na yelo, dingding na p’wedeng gawing salamin at kisame na parang nilikha ng magaling na arkitekto. Walang ibang makikita sa paligid kundi purong puti.“Nasa langit na ba ako?” namamanghang tanong ni Yuan.“Hindi ka tatanggapin doon, Lord Yuan. Ang sama kasi ng ugali mo sa akin,” sagot naman ni Liberty.“Ikaw rin, hindi tatanggapin sa langit, Liberty. Ang sungit mo kasi sa akin,” pagtatanggol naman ni Hugo kay Yuan.Dahil sa sagutan ng tatlo, hindi na natahimik ang grupo nila. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang patuloy sa pagtatalo ang mga ito. Habang tumatagal, nasasanay na rin sila. Naging balanse ang mga ugali nila dahil ang iba sa kanila ay mga tahimik lamang.“Nakakarindi,” reklamo ni Ezraya na isa sa mga tahimik sa grupo.Ngayon lang narinig ni Gaia ang tila
Última actualización : 2025-09-29 Leer más