Sa mundo ng karahasan, matagpuan pa kaya ang tunay na pagmamahal? *** Simula pagkabata, naranasan ni Gaia ang pangungutya at pang-aalipusta dahil sa kakaibang marka na tinataglay niya. Itinuturing siyang salot na dapat layuan at iwasan. Lumayo siya sa karamihan at namuhay mag-isa, ngunit umaasa pa rin siyang magbabago ang takbo ng buhay niya. Isang araw, napili si Gaia bilang premier guard sa doom’s gate–ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Akala niya’y simula na iyon nang pagbabagong gusto niya, pero paraan lamang pala iyon para mawala siya. Iba’t-ibang panganib ang hinarap ni Gaia, hanggang mawalan siya ng tiwala sa mga taong nasa paligid niya, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Aurus La Mier–ang estrangherong nagmamahal sa kakambal niya. Tutulungan siya nito, pero hindi para sa kaniya kundi sa kapatid niya. Paano haharapin ni Gaia ang mga bagong pagsubok sa pagdating ni Aurus? Mapigilan niya kaya ang puso na huwag umibig sa binata?
View MorePayapang nagpapahinga si Gaia sa isang bahay-kubo sa gitna ng kagubatan nang maramdaman niya ang malakas na kabog sa dibdib niya. Isa ’yong pakiramdam na mahirap balewalain na waring kinakabahan siya sa isang bagay. Mabilis siyang bumangon at naghanap ng maaaring itakip sa kaniyang mukha. Nakita niya ang isang tela na nakasabit sa sandalan ng upuang kawayan. Kinuha niya iyon at ginamit upang takpan ang mukha niya bago lumabas ng kubo. Tinahak niya ang direksyon patungo sa lokasyon ng hell entrance—isang lagusan na magbubukas sa araw na ito. Iyon ang dahilan ng malakas na kabog sa dibdib niya. Tila konektado sa kaniya ang lugar na iyon.
Ilang saglit pa ay nakarating na si Gaia sa lokasyon ng lagusan. Malayo pa lang ay ramdam na niya ang nagwawalang hangin. Naririnig niya rin ang galit na paghampas ng alon sa ilalim ng bangin. Humawak siya sa isang puno para manatili sa p’westo. Maghihintay siya roon hanggang bumalik sa payapa ang kalikasan. Iyon ang magiging hudyat para kumilos siya. Kailangan niyang masiguro na walang panganib na hatid ang sinumang papasok sa kaharian ng Forbideria. Tungkulin niya iyon bilang premiere guard ng dooms gate—ang pader na humaharang sa sinumang papasok ng kaharian.
Nang bumalik sa kalmado ang kalikasan, natanaw ni Gaia ang nakalutang na sasakyang pandagat mula sa kinatatayuan niya. Wala naman siyang natatanaw na sakay niyon. Marahil naaksidente ito habang dinadala ng nagwawalang alon papasok hell entrance. Walang pagdadalawang isip siyang tumalon sa tubig, upang hanapin ang sakay ng bangka. Hindi naman siya nabigo, dahil nakita niya ang isang lalaki. Wala itong malay at dahan-dahang lumulubog sa tubig. Lumangoy siya at hinabol ang lalaki. Nang mahawakan ay agad niya itong inangat. Akala niya ay nag-iisa lang ito ngunit napansin din niya ang isa pang lalaki. Wala rin malay at patuloy na lumulubog sa tubig. Inilagay muna niya sa pampang ang unang lalaki bago muling lumangoy upang saklolohan ang isa pang estranghero.
Nasaan ang isang ’yon?
Nahirapan si Gaia hanapin ang ikalawang lalaki. Paulit-ulit siyang sumagap ng hangin bago muling lalangoy hanggang matanaw niya ito. Tila wala itong lakas na nakalubog sa tubig.
Nariyan ka lang pala. Pinahirapan mo pa ako, estranghero.
Mabilis siyang lumangoy patungo sa lalaki. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila paitaas. Akala niya ay wala itong malay, pero naramdaman din niya ang paghawak nito sa kamay niya. Napansin pa niya ang bahagya nitong pagmulat, pero lumuwag din ang hawak nito at tuluyang nawalan ng malay.
Pagkarating sa pampang, sinuri ni Gaia ang pulsuhan ng dalawang lalaki. Maayos naman ang mga ito at malayo sa panganib.
“Saang lupalop kaya nagmula ang dalawang ito?” naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Hindi pamilyar sa kaniya ang kasuotan ng dalawang estranghero na animo’y mga uniporme ng sundalo. Kulay puti at asul ang kombinasyon ng mga kulay at patunay iyon na hindi nagmula sa kaharian ang mga ito. Siniyasat niya ang katawan ng dalawang lalaki hanggang makita niya ang pagkakakilanlan sa damit ng dalawa.
“Ngayon, alam ko na kung bakit narito sila. May pakay sila sa Forbideria.”
Napansin ni Gaia na bahagyang gumalaw ang kamay ng huling lalaking iniligtas niya. Tumakbo naman siya sa likuran ng bato para magtago sa pag-aakalang magigising na ito. Hindi pa ito tuluyang nagigising nang marinig naman niya ang mga nagmamadaling yabag palapit sa direksyon nila.
“May mga pangahas na pumasok sa Forbideria. Ipagbigay alam niyo ito sa premier guard! Magmadali kayo!” utos ni Trey—ang namumuno sa grupo.
“Opo!” sagot ng mga kasama nitong guwardiya at nagmamadaling umalis.
“Dakpin ang dalawang ’yan at dalhin sa kulungan habang wala pang utos ang premier guard.”
Binuhat ng mga guwardiya ang dalawang lalaki na hindi pa rin nagkakamalay. Nakatanaw lang naman si Gaia hanggang mawala ang mga ito sa paningin niya. Bumalik siya sa bahay-kubo at nagpalit ng damit bago muling lumabas. Umupo siya sa ugat ng punong kahoy malapit sa bahay. Hindi rin nagtagal ay dumating ang isang babae na may parehong wangis sa kaniya—ang kakambal niya. Ito ang dahilan kaya kailangan niyang itago ang kaniyang mukha dahil nasa labas ito ng kubo upang mamasyal. Ipinagbabawal ang kambal sa Forbideria kaya’t kailangan niyang itago ang tungkol sa kapatid niya.
“Kumusta, Tana? Anong lugar ang pinuntahan mo ngayon sa loob ng kaharian?” tanong niya rito.
Bumuntong hininga si Tana at tumabi sa pagkakaupo niya. Inilagay nito ang dalawang kamay sa likod ng ulo bago sumandal sa katawan ng puno.
“Nagtungo ako sa huling dibisyon ng Forbideria at nalaman ko kung gaano kahirap ang kalagayan ng Atar. Kaya lang, nagtataka ako kung bakit umiiwas sila sa akin nang makita ako. Sinasabi pa nilang ako raw ang malas na nagpapahirap sa Atar. Ikaw ba ang tinutukoy nila, Gaia? Bakit iniisip nilang malas ka? Ikaw ang premier guard na nagpapaangat sa Atar ngayon, ’di ba? Anong dahilan para maging ganoon ang turing nila sa ’yo?”
Umiwas ng tingin si Gaia sa kakambal. Hindi niya kayang ipagtapat dito ang totoong dahilan kung bakit sinasabing malas siya. Iyon ang sikretong matagal na niyang dinadala sa katawan niya. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang solusyon para mawala iyon at patuloy siyang pinahihirapan no’n.
“Huwag mo nang isipin iyon, Tana. Oo nga pala, kailangan ko nang umalis. Huwag kang lalabas ng bahay-kubo habang wala ako rito. Delikado sa labas at baka mapahamak ka kapag may nakakita sa atin. Hintayin mo na lang akong bumalik para makalabas ka ulit.”
“Sige, Gaia. Tatandaan ko ang mga sinabi mo.”
Bahagyang ngumiti si Gaia bago nagpaalam sa kakambal. Nakalayo na siya sa bahay-kubo nang maramdaman niya ang hapding bumalot sa katawan niya. Napaluhod siya sa sakit habang yakap ang sarili niya.
“P-please, huwag ngayon,” may pagmamakaawa niyang bulong.
Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas para tumayo. Nanlalabo rin ang mga mata niya, pero pinilit niyang huwag mawalan ng malay. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga at kahit papaano ay nabawasan ang kirot sa katawan niya.
Nang bahagyang umayos ang kaniyang pakiramdam, tumayo na siya at bumalik sa dooms gate para gawin ang trabaho niya bilang premier guard. Nakasalubong naman niya si Trey bago makarating sa quarter tent niya.
“Premier,” magalang nitong bati sa kaniya.
Tumango lang siya rito bago pumasok sa tent.
“Ano’ng nangyari dito habang wala ako?” tanong niya pagkaupo.
“Premier, may dalawang estranghero na pumasok sa dooms gate kanina. Kahina-hinala ang pananamit nila at baka isinugo sila ng mga kalaban para maging ispiya.”
“Nasaan sila ngayon?” muli niyang tanong kahit alam niya ang tungkol sa tinutukoy nitong dalawang estranghero.
“Ikinulong po namin sila habang naghihintay ng utos mo, premier. Ano po ang gagawin naming sa kanila? Itatapon ba namin sila sa blackhole o hahayaang mabulok sa piitan?”
“Hindi na kailangan. Dalhin mo sila sa harapan ko. Ako ang huhusga sa dalawang ’yon.”
“Masusunod, premier.” Aalis na sana si Trey, pero muli itong bumaling kay Gaia. “Muntik ko ng makalimutan, premier. May natanggap po pala akong sulat kanina mula sa kastilyo. Ito po.” Ibinigay nito ang selyadong papel sa kaniya.
“Salamat. Makakaalis ka na,” saad niya pagkakuha sa sulat.
Pag-alis ni Trey, binuksan ni Gaia ang selyadong papel. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamay nang makita ang nilalaman ng sulat. Isa ’yong pagbabanta na nagpakulo ng dugo niya.
Hindi mo kailangan magpasikat para umangat. Hindi mo ’yan madadala sa kamatayan mo. Mananatili kang mababa sa paningin ng mga tao. Tumakas ka na habang may pagkakataon ka pa.
Bigla siyang napatingin dito. Madilim ang paligid at hindi niya ito makita nang malinaw, pero alam niyang seryoso ito sa sinabi.“Mas’yadong madilim ngayon, Aurus, hindi tayo makakapag-laban nang maayos.”“Minsan, mas kailangan natin ang lakas ng pakiramdam kaysa makita ang paligid dahil hindi lahat ng ating nakikita ay totoo. P’wedeng malinlang ang paningin, pero ang puso, hindi.”Sang-ayon si Gaia sa sinabi ni Aurus. Kapag mas malakas ang iyong pakiramdam mas madali mong malalaman kung nagsasabi ng totoo ang iyong kaharap o hindi, dahil sadyang may mga taong mapaglinlang.“Kung iyan ang gusto mo, papayag ako, pero gusto kong gamitin mo ang lahat ng iyong lakas. Ayokong maramdaman na nagpipigil ka sa pag-atake, dahil wala rin kwenta ang laban natin.”“Hindi mo ba talaga sasabihin kung bakit gusto mong makipaglaban sa akin?”“Kakaiba ang istilo mo sa pakikipaglaban at ngayon ko lang nakita iyon. Nais kong subukan iyon gamit ang sarili kong lakas.”“Iyon lang ba ang dahilan?”Hindi siy
Tinulungan sila ni Jag para makaalis sa bitag ng Murky. Gamit ang pagiging bihasa nito sa lason, wala silang kahirap-hirap na nakaalis doon. Isinama sila ni Jag sa tahanan ng mga ito malapit din sa lugar na iyon.“Bakit ka napadpad dito, Gaia? Sino sila? Bakit kayo magkakasama?” tanong ni Jag nang bahagya silang lumayo sa kaniyang mga kasama.Nakatayo silang dalawa sa balkonahe ng bahay nito. Abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga magulang ni Jag ang iba niyang kasama. Nakikipaglaro naman si Brie sa batang pamangkin ni Jag.“Nakilala ko sila nang umalis ako sa dooms gate.”“Anong nangyari sa ’yo? Bakit bigla kang nawala roon? Inaasahan namin ang tulong mo nang sugurin ang dooms gate, pero hindi ka dumating. Napilitan na lang kaming tumakas para iligtas ang aming mga sarili. May nangyari bang hindi namin alam? Bakit may takip ang mukha mo?” “Iisa lang ang dahilan kaya hindi ako nakarating noong sinugod ang dooms gate, at kung bakit ako narito sa Dekzas ngayon. Kailangan ko ang prietz at
Sinadya ni Gaia na bahagyang ipakita ang marka sa mukha niya. Tumingin din siya lalaki na tila nanghihina. Bumakas ang takot sa mukha nito at mabilis na umatras.“Pesteng iyan, baka mahawa kami sa inyo. Umalis na kayo. Bilisan niyo!” taboy nito sa kanila.Sinunod naman iyon ni Yuan at mabilis na pinatakbo ang kabayo palayo.Lihim na nagpasalamat si Gaia dahil walang ideya ang tauhang iyon ni Sigmundo kung sino siya. Marahil hindi pa nakararating dito ang pagkakilanlan na isiniwalat niya sa dibisyon ng Atar.“Ang galing mo naman, Lord Yuan! Mabuti naniwala sila sa palusot mo. Mukha naman kasing may sakit si Gaia. Hindi na rin nakapagtatakang pinalam,” masayang puri ni Liberty kay Yuan na may pasimpleng panghahamak sa kaniya.“Sa ’yo siguro natakot ’yong nagbabantay, Liberty, kaya pinalampas nila tayo,” tugon ni Yuan.“Nakakainis ka naman, Lord Yuan. Pinuri na nga kita, tapos nilait mo pa ako.”“Ganoon ka rin naman. Kung hahangaan mo ang isang tao, huwag kang mandadamay ng isa pa para i
Kinabukasan, nakahanda na silang umalis ng Inn, ngunit nagpupumilit sumama si Liberty sa pag-alis nila. Taliwas iyon sa sinasabi nitong ihahatid lamang sila sa hangganan ng dibisyon.“Bakit kailangan mong sumama sa amin, Liberty?” tanong ni Yuan kay Liberty.Napatingin si Gaia kay Yuan. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin kay Liberty. Naalala pa niya ang ginawa nito kagabi, pero hinayaan na lang niya ito. Hinintay na lamang niyang mawala ang kaniyang marka bago bumalik sa silid nila. Tulad ng sinabi ni Brie, ang marka niya ang palatandaan ng mga Gentry sa kaniya, kaya hindi na siya nagtaka na alam ni Yuan ang tungkol doon.“Opo nga, Ate Liberty. Bakit kailangan mong sumama sa amin? Akala ko po ba ihahatid mo lang kami hanggang makalabas ng dibisyon?” nagtataka ring tanong ni Brie.“Bakit pakiramdam ko ayaw niyo akong kasama?” nakangusong tanong ni Liberty sa dalawa.“Tama po,” agad na sagot ni Brie.Sinamaan ito ng tingin ni Liberty kaya nagtago ang bata sa likuran ni Gaia.
Sandali pang nanatili sa loob ng silid si Gaia pagkatapos ng mabilis na laban kay Xian. Pinahupa muna niya ang sakit ng katawan saka lumabas ng silid. Napangiwi pa siya nang kumirot ang tagiliran niya. Hawak-hawak niya iyon habang naglalakad. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Aurus eksaktong pagbukas niya ng pinto.“Gaia? Anong ginagawa mo sa silid na iyan?” tanong nito.“Nagkamali ako ng pinasukang silid. Akala ko, ito ang silid na inookupa natin.”Napakababaw ng kaniyang dahilan, dahil imposible sa kagaya niyang premier guard na magkamali ng silid. Sa palagay niya’y naunawaan naman ni Aurus ang pagdadahilan niya at hindi na ito nagtanong pa.“Anong nangyari sa ’yo? Bakit hawak mo ’yang tagiliran mo?” nag-aalala nitong tanong habang nakatingin sa kaniyang tagiliran. Parang hindi sila nagkasagutan kanina. Marahil pinili na lang nitong balewalain ang mga sinabi niya at gampanan ang tungkulin nitong ito lamang ang may gusto.“Aurus,” mahinahon niyang tawag sa pangalan nito. Nagta
Pinagsawalang bahala muna ni Gaia ang tungkol sa natanggap na mensahe. Ngunit alerto pa rin siya sa paligid nang muling pumasok sa Inn.“Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay rito. Hindi kami makapagsimula kumain nang wala ka. Pa-importante ka naman masyado,” inis na salubong ni Liberty nang dumating siya sa mesang okupado ng mga ito.Isang mesa na may apat na upuan ang pwesto ng mga ito. Nakahain ang tatlong plato na may lamang pagkain. Magkatabi sa upuan sina Liberty at Aurus. Halatang nagpapansin ang babae sa katabi, pero tahimik lang itong nakatingin sa pagkain na tila malalim ang iniisip. Inirapan siya ni Liberty bago tumingin sa kasama niya, pero nanlaki ang mga mata nito nang makita si Yuan.“Lord Yuan, bakit narito ka? Bakit magkasama kayo?” gulat nitong tanong.“Pakialam mo ba,” supladong tugon ni Yuan at umupo sa isang bakanteng upuan sa harapan nina Liberty at Aurus.Umupo rin siya sa katabi ni Yuan dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan. Sandaling tumingin sa ka
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments