4 YEARS LATER... "Kaizer, baby.. come here." Tawag ko sa anak namin ni Lucas. Mabilis nitong natukoy kung nasaan ako at agad na lumapit. Masigla at puno ng buhay ang inosente nitong mukha. Umupo ako upang maging kapantay lang nito. "Where's your daddy, hmm? Bakit iniwan ka rito sa gilid ng pool?" Tanong ko rito. Inayos ang buhok na halos umabot na sa pilikmata nito. Pinagpawisan ito kakalaro. "I miss you, Mommy.." mahigpit na yakap nito sa akin. Niyakap ko rin ito. At hinaplos ang buhok. "I miss you, too, baby. I miss you too.." buong pananabik na wika ko rito. Natanaw ko naman ang tumatakbong si Cassady papalapit sa akin. "Mommyyyy!" Sigaw nito at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "I miss you, mommy. Dito ka ba magdidinner?" Tanong nito habang yakap ako mg mahigpit. Nagsisiksikan sila ni Kaizer sa dibdib ko. "I miss you, too. May mga pasalubong ako. Come, let's open it." Masiglang aya ko sa dalawa. Pinalis ang kaunting luha na tumulo sa pisngi ko.
Terakhir Diperbarui : 2025-04-24 Baca selengkapnya