Kinaumagahan bago aalis ang mga guest sa hotel ay may pinahanda sila Dreymond na mga pagkain sa restaurant ng hotel .Bilang pasasalamat sa mga reviews nila sa social media,malaking parte ang reviews ng mga ito para may mga taong tatangkilik sa kanilang hotel . Gusto nila bago uuwi ang mga guest ay busog at maayos ang kanilang servings para sa kanila . '' Lawrence '' tuwang tuwa na lumapit si Kriza sa binata at habang si Aria ay papunta na rin sa loob ng restaurant.Nadatnan niya ang dalawa sa may malapit sa entrance kaya napalingon siya ng marinig ang pangalan nito . Iwas na iwas siya kay Lawrence dahil kagabi pakiramdam niya matutunaw siya sa tingin ni Lawrence gayong nasa harapan naman niya si Kriza . ''Aria doon tayo '' si Drake na ang lumapit .Ni hindi nga niya ito tinatawag na ate at hindi naman napansin ni Aria iyon . '' sige Drake salamat '' hahakbang na sana siya ng may hindi siya inaasahang marinig . '' naamoy mo ba ang pabango ko .Diba ang bango ng binigay mo sa aki
Last Updated : 2025-07-27 Read more