Kanina pa sila paikot ikot sa daan kung saan nasa loob sila ng isang sikat na subdivision,napahanga siya dahil malalaki ang bahay at mukhang mayayaman ang mga nakatira sa subdivision. '' ate Michelle saan ba tayo pupunta at mukhang kanina pa tayo paikot ikot sa subdivision na ito '' medyo nahihilo na rin siya dahil paulit ulit ang kanyang nakikita na mga bahay at pag liko lagi ng kotse . '' may titignan lang akong lupa Aria gusto ko kasi magpatayo ng bahay dito '' nagulat siya sa sinabi ni Michelle. '' ayaw mo ng tumira sa bahay ?" kung aalis ito wala ng maingay sa kanilang bahay . Nakaramdam siya ng lungkot dahil darating ang pagkakataon na kailangan na nilang maghiwahiwalay . '' hindi naman sa ganun Aria gusto ko lang magkaroon ng sariling bahay dahil pag mag asawa kana alangan naman doon ako sa bahay mo titira parin '' may punto naman ito pero iisang pamilya na sila para sa kanya at ayaw niyang mawalay sa mga ito . '' ayos lang naman iyon ate at ang mansion ni mommy p
Last Updated : 2025-07-31 Read more